KABANATA 6: Bulongan!

1765 Words
Ceres POV Kumaripas na nga ako sa pagtakbo nang hindi ko na matagalan ang mga titig sa akin ni Ninong Mavroz. Sa unang pagkakataon nakita ko siyang ngumiti ng ganoon, nakakakilabot! Iba ang ngiti nayun at hindi ko nagugustuhan, yung ngiti niya noong ten years old palang ako at ngayon ay magkaiba. Marahas ko na lamang nasara ang pinto kaya kumalabog ito, halos magiba na ang ribcage ko dahil sa sobrang lakas nang t***k ng puso ko. Para akong kakapusin ng hangin, agad din akong napadausdos sa pinto dahil kanina pa nanginginig ang tuhod ko. "What the hell, bakit ganun kung makatingin sa akin si Ninong?? bakit ganun ang ngiti niya?!" Marahas kong nahilamos ang mukha ko, tumayo ako at agad na nilock ang pinto, dinikit ko pa ang aking taenga sa pinto pero wala na akong marinig na mga ungol ng babae. "Tapos na ba sila?" Napailing naman ako sa iniisip ko at agad akong nagmadali papunta sa aking kama at humiga. Pinilit kong makatulog pero paulit ulit na nag sisink in sa akin ang nangyari, alas tres na ng madaling araw pero ito at nakadilat parin ang mata ko. Sa tuwing pumipikit ako ay nakikita ko ang mukha ni ninong Mavroz kung paano ito ngumiti sa akin at kung paano nag react ang katawan ko sa ginawa niyang iyon, aminin ko man o hindi nakaramdam talaga ako ng libog dahil sa nakita ko. Sobrang Hot niyang tingnan habang nakatitig sa akin habang kagat niya din ang kanyang ibabang labi, para din siyang lasing dahil namumula ang kanyang mukha. "Argh! itulog muna Ceres!" Agad na akong nagtalukbong ng kumot at pilit na pinikit ang aking mga mata, at dahil ramdam ko nadin naman ang antok ko ay nilamon nadin ako sa wakas ng kadiliman. NAGISING ako sa mga katok at kahit mabigat parin ang talukap ng aking mga mata ay pinilit ko paring bumangon, inaantok pa ako dahil pakiramdam ko ilang minuto lang ang tulog ko. "S-sandali lang po.." Pupungas pungas pa ako nang buksan ko ang pinto nang bumungad sa akin ang isang katulong na hindi ko pa kilala. Napansin ko din ang nunal sa pisngi niya. Nakataas ang kilay niya sa akin habang mariin na nakatitig sa akin mula ulo hanggang paa at sa huli sa aking mukha na para bang kinakabisado nito ang pagmumukha ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa nitong pagtitig sa akin. "Pinatawag kana ni Sir Mavroz para sa umagahan.." Masungit nitong saad sa akin, ako naman ay naka kunot ang noo at nagtatakang tiningnan ang babae, di ko mawari kung bakit ito masungit sa akin sa pagkaka alala ko wala naman akong ginawang masama. Inirapan pa ako nito bago tuluyang umalis sa harap ko, ni hindi man lang ako hinayaang makasagot dito. "Anong problema nun?" Wala sa sarili kong saad, napa nguso na lamang ako at napakamot ng aking ulo. Nagmadali na nga ako sa pagkilos, naghilamos, nag toothbrush at nagbihis ng simpleng cotton shorts at malaking tshirt. Nang matapos na ako ay agad naman akong lumabas ng aking kwarto, pero nang maalala ko ang nangyari ka gabi ay dinambol na naman ang aking dibdib, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang si Ninong Mavroz. "Magpanggap nalang kaya ako na walang ma alala? tapos kapag nag tanong siya ay sasabihin ko na nag s-sleep walking ako.." Kausap ko sa aking sarili, pero hindi naging sapat iyon para mabawasan ang kabang nararamdaman ko ngayon. Kailangan kong kumalma at maging normal sa harap nito. Huminga na muna ako nang malalim at tuloy tuloy na bumaba sa unang palapag , nang makapasok na ako ng dining area ay natanaw ko na ang aking ninong na abala sa pag inum ng kape habang may hawak na dyaryo at abala ito sa pagbabasa. "G-goodmorning po, Ninong.." Pagkuha ko sa atensyon nito, nag angat naman ito ng tingin sa akin at ibinaba ang hawak nitong dyaryo. Sandali akong tinitigan nito, nakakailang na titig kaya bahagya na lamang akong nag iwas. "Goodmorning.." Napalunok naman ako nang marinig ang deep voice nito, at biglang nag sink in sa isipan ko ang mumunting ungol nito ka gabi na masarap din sa pandinig ko. Holy shet! Ceres Evara! magtigil ka.. Agad kong pinilig ang ulo ko dahil sa aking pinag iisip. "Come here, Ceres.. sit down beside me." "Ho?" Gulat kong tanong, bahagyang namilog pa ang mga mata ko sa sinabi nito, pero seryoso lang itong nakatitig sa akin at hinihintay na lumapit ako. "S-sige po.." Wala na nga akong nagawa pa kundi ang maupo sa malapit na upuan nito. Naalala ko kasi na masama pala itong magalit at gusto nito na dapat sinusunod ang utos nito. "Kumain kana.." Nagsimula na nga itong kumain, at agad din naman akong nag salin ng pagkain sa aking plato. "How was your sleep?" Nabitin pa nga ang aking pagsubo dahil sa tanong nito, ito na nga ba ang sinasabi ko. Magtatanong siya sa akin. Sandali pa akong hindi nakasagot at agad na sumubo ng hotdog, ramdam ko ang matalas na titig ni Ninong sa akin kaya wala sa sarili akong napatitig sa kanya kahit subo ko pa ang jumbo hotdog na naka tusok ng tinidor. Ilang beses akong napakurap habang pinagmamasdan ko ang itsura ni Ninong Mavroz, kakaiba na naman ang titig niya. Pero ganun padin di ko mawari kung ano. Nakakailang na hindi ko makayanan titigan ang mga mata niya, bumaba ang tingin ko sa leeg niya dahil nag taas baba ang kanyang adams apple. Hindi na nga ako naka tiis pa at umiwas na nang tingin sa kanya at dahil hindi niya padin inaalis ang mga titig niya sa akin. Pinutol ko na ang pagkain sa hotdog at mabilis kong nginuya iyon at uminom ng tubig. "Ahm, o-ok lang naman po ang tulog ko.." Sagot ko dito, at nagsimula ulit akong kumain na hindi na tumititig sa kanya. Narinig ko pa ang pagtikhim niya at binalik niya nadin ang atensyon sa pagkain. "Good.." Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na ulit siya nag tanong pa at tahimik na nga kaming kumakain. "You can start cleaning my room after this, while i'm away from working.." "Opo Ninong.." Magalang kong sagot dito, hindi padin tumitingin sa kanya, naka pukos lang ako sa aking pagkain. "Wala kanang ibang lilinisan pa kundi ang kwarto ko, naiintindihan mo ba, Ceres?." "Opo.." Sagot ko ulit habang kumakain padin, pero nagulat ako ng bigla niyang binitawan ang kanyang kutsara kaya gumawa iyon ng tunog at umalingawngaw sa loob ng dining area dahilan para mapatitig ako sa kanya. "I want you to look at me when i'm talking to you, young lady.." Napalunok ako ng laway, dahil ramdam ko ang mapanganib niyang boses. Para tuloy akong nanliit sa harapan niya dahil nakikita ko kung gaano siya ka ma awtoridad sa pamamahay nato. "S-sorry po, ninong.." Mahinang usal ko sa kanya, pero nagulat na lamang ako ng bigla niyang itinaas ang kanyang kamay at dumampi ang malaki at magaspang niyang kamay sa mukha ko. Napasinghap pa ako sa ginawa niya, hinaplos niya ang gilid ng labi ko, para akong na istatwa dahil naramdaman ko ang agarang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko. "Your messy.." Casual nitong sabi, sabay punas niya sa gilid ng labi ko pero ramdam ko ang daliri niya na lumapat sa aking labi kaya napakurap ako ng ilang beses habang nakatitig sa kanya, ganun din siya sa akin nakatitig lamang siya habang ginagawa iyon. Iba ang dating nang ginagawa niyang pagpunas sa labi ko, para bang sinasadya niyang bagalan ang pagpunas niya sa aking labi. Sobrang lakas nang t***k ng puso ko, at dahil sa taranta ko ay marahan kong hinawi ang kamay niya na ikina kunot ng noo niya. "T-thank you po, ninong. Pero ako na po.." Kinuha ko agad ang tissue napkin at agad kong pinunas sa aking labi. Hindi nadin siya nagsalita pa at agad na binalik ang atensyon sa pagkain, ganun din naman ako ay kumain nalang din ako. Hanggang sa matapos si ninong at umakyat na ito ng kanyang kwarto, ako naman ay nakahinga nang maluwag. Bakit ba ganun nalang ang nararamdaman ko kapag sobrang lapit sa akin ni ninong? kahit madikit lang siya sa akin ay nagwawala ang puso ko at sobra ang kabang nararamdaman ko. Grabe ba talaga siya ka terror para makaramdam ako ng ganito sa kanya? O baka naman hanggang ngayon humahanga padin ako sa kanya? e noon lang yun eh, bata pa ako nun at crush ko lang siya kasi sobrang gwapo naman talaga niya lalo na pag ngumiti. Pero nag iba na siya, hindi na siya ganun. Wala na yung palangiti na Ninong Mavroz ko. NANG matapos nga ako ay dumeretcho na din ako sa itaas para maka ligo nadin dahil mag lilinis na ako ng kwarto ni ninong. Kanina nadin naka alis si ninong papuntang trabaho niya. Nang matapos na ako sa pagligo at naka bihis na din ako ng panibagong damit ay bumaba nadin ako dahil kailangan ko munang kunin ang mga panlinis. Nang malapit na ako ng kusina ay nag kumpulan ang tatlong mga katulong na hindi ko pa alam ang mga pangalan parang may mga pinag uusapan ang mga ito. "Magkahawig nga sila diba?" "Oo nga eh, hindi nga rin ako makapaniwala.." "Ano ba kayo! pinagsabihan na tayo ni manang selya na hindi natin pwedeng pag usapang ang tungk-----" Ano bang pinag uusapan nila? di ko naman maintindihan. Nang makita nga nila ako ay agad silang tumahimik at panay tulak sila sa isa't isa. Ngumiti naman ako sa kanila. "May kailangan ka ba?" Nakataas ang kilay ng babae habang nakatitig sa akin, na alala ko siya na siya yung babae kanina na kumatok sa aking kwarto at masama ang tingin sa akin. Napatitig naman ang dalawa sa akin, as in titig na titig sila sa pagmumukha ko na para bang may mali sa aking mukha, na wi- weirduhan na ako sa kanila. Yun bang hindi sila makapaniwala na nag e exist ako sa mundong ito. "Gusto ko lang po sanang malaman kung saan po nakalagay ang mga panlinis, maglilinis na po kasi ako sa kwarto ni ninong.." Nang sinabi ko iyon ay panay bulong na ang dalawa sa likod ni ateng masungit na may nunal sa pisngi na gaya kay gloria. Nang masabi ni ateng masungit na may nunal sa kanyang pisngi kung saan ang mga panlinis ay agad nadin akong umalis sa harap nila, di ko na nagugustuhan ang tingin nila sa akin. Ramdam ko din na ayaw nila sa akin, pero paki alam ko ba sa kanila, hmp! kainis ang mga yun. Makapag linis na nga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD