Third Person's POV Agad naman siyang napahawak sa ding ding dahil sa pangangatog ng tuhod niya. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib dahil rinig na rinig niya ang malakas na kabog ng puso niya. "Wooh, first time akong hawakan ni ninong sa kamay ko. Ang wierd dahil may kakaibang kuryenteng dumaloy sa katawan ko.." Bulong niya sa kanyang sarili, nanghihinang pumasok na lamang siya sa kanyang kwarto. Marahas niyang inilagay ang kanyang bag sa kama at pabagsak na humiga, napatitig na lamang siya sa kesame at iniisip kung bakit ganoon umasta ang kanyang Ninong Mavroz. Ayaw niya naman na mag assume na nagseselos ito dahil imposible naman iyon, siguro ay ayaw lang nito na may iba siyang lalaking hinahawakan dahil sa tingin ng kanyang Ninong Mavroz sa kanya ay isa lamang siyang bagay na pagma

