Ceres POV Maaga akong nagising at ang kasama kong tatlong babae dito sa iisang kwarto ay tulog pa ang mga ito, mga ala singko palang ng umaga pero heto ako't gising na. Di din ako nakatulog nang maayos dahil sa ingay ng isang kasama ko dito na malakas humilik. Kaya ako maagang nagising dahil gusto ko lang talaga na makakita ng sunrise dahil namimiss ko din makakita nito lalo na kapag andito sa dagat, iba kasi talaga ang pakiramdam makakita ng sunrise kapag dito sa beach, kasi nakakarelax at mapayapang tingnan. Gusto ko din makita ang ganda ng resort kasi hindi ko masyadong na appreciate kagabi dahil madilim ang parte ng dagat. Nakasuot lang ako ng cotton shorts at nagsuot nalang din ako ng cardigan na kulay nude dahil medyo malamig pa sa labas. Nang makalabas na ako ay agad na yumak

