Ceres POV Napatingin ako sa aking itsura sa harap ng malaking salamin, tiningnan ko kung ok na ba itong suot kong dress. "Ok naman, hindi naman malaswang tingnan..magsusuot din naman ako ng cardigan.." Kausap ko sa aking sarili at napangiti pa dahil nagagandahan talagaa ako sa suot ko ngayon, ang cute lang kasi. Nakasuot lamang ako ng dress na hanggang hita ko ang taas nito, at dahil sleeveless ay sasapawan ko nang korean cardigan. Isa ito sa paborito kong mga dress, yung iba kasi na mga medyo mamahalin kong dress ay ibinenta ko na sa mga ka klase ko noon dahil nga halos wala nang maibigay sa akin si papa na pera dahil napupunta na lahat sa pagsusugal niya. Kung meron man siyang maibigay sa akin ay hindi naman nagkakasya dahil sa dami ng gastusin ko sa school ay di sapat ang binibigay

