Falestine's P.O.V "Kuya isa pa nga" utos ko sa bartender kanina pako dito sa isang di ko kilalang Bar. Ewan ko pero dinadala ako ng mga paa ko dito, sa mall ako galing para mambili sa mga gusto ko sanang bilhin kahapon, papauwi na sana ako kaso naisip ko na gusto ko munang uminom at magpakalasing. Heartbroken lang ang peg? "Ma'am baka malasing ho kayo, at mukhang wala ata kayong kasama dito" saad naman ng bartender kaya sinamaan ko agad siya ng tingin. "Kaya nga pumunta ako dito diba para mag lasing? At tiyaka wag kang pa concern-concern sa kin, pareho lang talaga kayo lahat ng mga lalaki concern kayo sa una pero kapag nakuha na ninyo ang inyong gusto ay iiwan niyo kaagad kaming mga babae!" Asik ko sa kaniya sabay lagok sa tequila na ibinigay niya, napailing-iling na lang siya sa mga sa

