Red's P.O.V "Hanggang ngayun hindi pa rin ako maka paniwalang wala na si Rio" wala sa sariling aniya ni Alex, nandito kasi sila ngayun sa bahay namin nina Istine. "Kahit nga ako eh, may sakit pala siya sa puso ano? Hindi masyadong halata" nag tatakang aniya ni Heather na katabi na niya ngayun si Blu. "Huhuhu Danian, ang laki ng kasalanan ko sa kaniya k-kasi inirapan ko siya nung dumating siya dito!" Kanina pa iyak ng iyak si Kyra dito, nakokonsensya daw kasi siya kasi nga daw hindi maganda ang pakikitungo niya kay Rylander. "Shh tahan ka na Love, nakakasama yan sa baby natin" pag patahan pa ni Danian sa kaniyang asawa pero imbes na tumahimik ay mas lalo pa itong umiyak. "Si Istine kumusta na kaya siya dun, siguro nag dadalamhati yun sa pag kawala ni Rio, diba malapit sila sa isa't is

