Falestine's P.O.V Bumuntong hininga kaagad ako ng mapansin kong tuloyan na talagang nawala si Kyline sa lugar nato. Ayoko man sanang maniwala sa mga sinasabi niya pero may kung ano sa puso ko na dapat paniwalaan ko siya. Alam kung hindi iyon kayang gawin ni Red sa kin, nagkaroon man sila ng relasyon pero pag papanggap lang yun. Ako lang ang babaeng minahal ni Red ng ganito, pag mamay-ari niya ako at pag mamay-ari ko rin siya at may tiwala rin ako sa kaniya na hindi niya yun kayang gawin sa kin. Naabotan ko naman sina Red ng papalapit na ako sa kaniya na nakikipag tawanan sa mga kaibigan niya, may kung anong kumirot sa puso ko ng makita ko si Red. I should trust him, alam kong hindi totoo ang mga sinasabi ni Kyline, dahil kahit kailan hindi siya minahal ni Red kundi ako lang. "Napatagal

