Falestine's P.O.V Late na akong nagising ngayun dahil sa buong gabi akong umiiyak ng dahil sa nasaktan ako nung makita kong magkasama sina Red at Kyline kahapon. Kagabi ko lang nalaman na siya pala si Kyline, maganda siya subrang ganda para siyang anghel, saksakan pa siya ng puti napaka inosente pa niyang tingnan, ewan ko pero naiinsecure ako sa kaniya hayst. Pero dapat hindi ako magpapadala sa nakita ko kahapon, kinakailangan ko paring kumbinsihin si Red na pakasalan ako. Baka friends lang sila diba at nagkataon lang na nagkita sila sa mall pero iba yung nakita ko eh magkahawak kamay kasi sila, nako naman naiiyak tuloy uli ako. Dito na rin natulog si Kyra sa amin, buti na lang andito siya kagabi. "Kumain ka na, drama ng drama wala namang label" hayst kagabi pa niya ako sinermonan dahi

