** 1 week later** Falestine's P.O.V "Ano ba kasi ang hina-hanap natin dito Pinsan?" Tanong sa kin ni Kyra na ngayo'y bagot na bagot na dahil sa kanina pa kami umiikot dito sa mall. Wala kasi akong makikitang pwedeng iregalo kay Red, 6th monthsary kasi namin bukas kaya gusto ko siyang bigyan ng regalo na napaka memorable. "Wala akong nakikitang pwedeng magustohan ni Red na ireregalo ko sa kaniya, hayst" namomroblema na talaga ako ngayun, nabigyan ko na kasi siya ng relo, damit, pabango, kuwentas at iba pa. Ang hirap din talagang mag hanap ng regalo para sa taong mahal mo. "Eh kung ipagluto mo na lang kaya siya?" Suggest sa kin ni Kyra, pero nagawa ko na yan nung 4th monthsary namin. "Nagawa ko na yan" "Bigyan mo na lang siya ng bata kung wala ka na naman palang maibigay sa kaniya" sa

