Simula

3075 Words
Bianna Faye POV Nagising ako sa isang katok sa aking kwarto. " Faye, gising na! " , rinig kong tawag sa akin ni Manang. Naalala ko ngayong araw nga pa'la magsi-simula muli ang unang pasukan. Naiisip ko pa lamang na papasok ako sa paaralan araw-araw at makakasalamuha ng ibang tao na nalalayo sa akin ay paki-ramdam ko nang-hihina na agad ako. Normal na 'rin siguro sa akin 'yun. Makakasalamuha ng ibang tao, 'di ko alam 'kung hinu-husgahan nila ako o pinagtatawanan ng patago dahil sa mga tingin nila sa akin. Nawala ako mula sa aking pagkaka-tulala at pag-iisip ng maaari'ng mangyari sa akin sa araw na ito dahil sa muling pag-tawag ni Manang Merna sa aking pangalan. " Faye, ineng? Gising na at male-late ka sa unang klase mo! ", muling sigaw ni Manang sabay ng ka'nyang sunod-sunod na pag-katok sa aking kwarto. " Opo Manang, susunod na po ako! ", sigaw ko pabalik, sabay buntong-hininga. " Oh s'ya sige Faye... handa na ang inyong almusal sa baba. ", rinig ko'ng pahabol na salita ni Manang. Hindi na ako umimik, narinig ko na ang mga yapak ni Manang paalis mula sa tapat ng aking pinto. Bigla ko naisip ang huling sinabi ni Manang, 'handa na ang inyong almusal' , ibig sabihin kasabay ko'ng mag-almusal ngayong araw sila Mama at Dada? pa'ti kaya si Kuya? mahigit isang linggo ko 'rin silang hindi nakakasabay sa hapag-kainan. Napabuntong-hininga ako, at naisipan nang bumangon upang mag ayos ng sarili para sa unang pag-pasok ko bilang isang Senior High Student. Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng aming hagdan nang marinig ko ang boses ni Mama mula sa aming kusina. Naiisip ko pa lamang na pina-pagalitan ni Mama ang aming katulong ay nawawalan kaagad ako ng gana. " Manang handa na ba? Anong oras na! ", Pasigaw na sabi ni Mama at natanaw ko siya sa aming salas. Nakita kong nagmamadaling lumapit sa akin si Manang kaya't binilisan ko na ang pagbaba sa hagdan. " Faye, ineng halika na at mag-almusal kanina ka pa hinihintay ng Mama mo. ", Sabi sa akin ni Manang at sabay nang paghawak niya sa aking braso, pag-alalay papasok sa aming kusina. Bago pa lamang kami makapasok sa loob ng kusina ay narinig ko na ang tawag sa akin ni Mama mula sa aming likuran. " Bianna Faye! ", tawag sa akin ni Mama, bakas ko sa kanyang boses ay pagkaka-irita kaya kinabahan ako bigla. " Po Mama? ", sabi ko at sabay harap sa kanya mula sa aking likuran, nakita ko na nasa tabi niya si Dada at tanaw ko ang pagbaba ng aking Kuya. " Come here ", ani ni Mama, kaya gulat akong napabaling kay Manang at nakita ko siyang tumango sa akin kaya ako ay naglakad patungo kila Mama at Dada. Pagkalapit ko pa lamang ay niyakap na agad ako ni Mama at narinig ko ang kanyang bulong sa aking tainga. " Goodmorning princess. ", bulong niya sa akin, bigla ako nanibago. Siguro nga ay hindi ko pa lubos na kilala si Mama, madalas iba-ibang ekspresyon ang pinapakita niya sakin dahil na rin siguro na madalas ko lamang siyang makasama. Bata pa lamang ako ay si Manang na ang nag-aalaga sa akin, malayo ang agwat namin ni Kuya Briann Llyod, 21 years old siya samantalang ako ay 16 pa lamang kaya noong bata kami ay hindi rin kami madalas mag-usap, siguro ay kapag nariyan lamang sila Mama at Dada. Bata pa lamang din ako ay tutok na sila sa kanilang mga trabaho, minsan lamang sila maglaan ng oras para sa aming pamilya, para sa akin. Kaya minsan naiisip ko, maaaring i'yon din ang dahilan 'kung bakit ilap ako sa ibang tao. Kahit sa iba naming katulong, 'kay Manang lamang talaga ako komportable makipag-usap. Kumalas mula sa pagkakayakap si Mama sa akin. " Goodmorning din po Mama at Dada. ", tipid akong ngumiti at bumaling sa kanila. Nahagip ko ang tingin sa akin ni kuya kaya nginitian ko siya ng tipid at sinuklian naman niya iyon ng isang ngiti rin. " Goodmorning Fayetot! ", bati sa akin ni Kuya, bata pa lamang kami ay i'yon na ang tawag niya sa akin kaya ako'y napasibangot bigla. " Morning Kuya. ", matamlay kong sabi kaya nagsalita si Dada. " Llyod huwag mo ngang tinatawag na gan'yan si Faye, 'wag mo asarin ang kapatid mo! ", istroktong sabi ni Dada. Napatingin ako 'kay Kuya at bigla lamang siyang ngumisi at inakbyan na niya ako papasok sa kusina, naka-sunod naman sa amin si Mama at Dada tsaka si Manang. Nagsimula na kaming kumain, napatingin ako sa aming orasan at nakita kong 7:10 palang ng umaga. Maaga pa, hindi ako male-late sa klase. 9:30 am simula ng klase namin kaya panatag akong hindi ako male-late sa unang klase ko sa araw na iyon. May oras pa din ako upang makampante ko ang aking sarili sa pakikisalamuha muli sa ibang tao. " This is your first day of Senior High Student, right Bianna? ", tanong sa akin ni Mama kaya napabaling agad ako sakanya. " A-ahh opo. ", sagot ko sa kanyang tanong. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, magulang ko naman sila pero pakiramdam ko ibang tao sila. Ganun na ba ako kailap? na pati sa pamilya ko nakakaramdam akong kaba? o sadyang nakaka-intimidating lang talaga si Mama? " Ihahatid ka namin ng Dada mo sa school mo ngayon. ", dugtong ni Mama, gulat akong napabaling sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sa akin. " Po? h-hindi na po kailangan Mama, p-pwede naman pong si Manang na lang po ang mag-hatid sa akin. ", kinakabahan kong bigas sa harap ng hapag-kainan. Natanaw kong napasulyap sa akin si Manang kaya napatingin rin ako sakanya, ngunit napabaling rin sa banda ni Dada nang mag salita ito. " Kami na Bianna, para naman maka-bawi kami sayo. ", tipid na ngumiti si Dada nang sabihin niya iyon. Napabaling muli ako kay Manang at nakita ko itong tumango sa akin at ngumiti ng tipid. Do I have a choice? wala. Iisang tabi ko na lamang ang hindi pagiging komportable sa kanila sa araw na ito, siguro naman ngayong araw lang diba? Tumingin ako kay Dada at nakita ko rin na nakatingin silang dalawa ni Mama sa akin. " Okay po. ", tipid kong sabi at tumikhim. " Anak Faye, hindi mo naman kailangang laging magtanong sa mga tingin mo kay Manang. ", ani ni Mama. Gulat akong napabaling kay Mama sunod kay Manang at nakita kong yumuko ito ay umalis sa loob ng hapag-kainan. Kaya napabaling muli ako kay Mama. " Ma hindi naman po, u-hmm baka po kasi busy kayo kaya hindi na rin po kailangan, tsaka malaki na rin po ako. ", kinakabahan kong sabi, medyo hindi na gusto ang pinag-uusapan. " Ngayon lang Bianna Faye, pagbigyan mo kami ng Dada mo! ", istriktang sabi ni Mama. " Opo Mama. ", sagot ko at yumuko upang kumain na muli. Natapos na kaming kumain at nag-ayos lamang ako ng ilang minuto para sa paghahanda sa aking pag pasok. Nag-hihintay na sa salas sila Mama at Dada, mukhang wala silang trabaho sa araw na ito ah pero lunes ngayon hindi naman linggo? siguro nagday-off sila? Ewan ko, siguro may importanteng gagawin lang. Palabas na sana ako sa aking kwarto nang marinig ko mula sa labas ang nag-uusap na si Mama at Kuya. " Brian Llyod! Kailangan mong kumbinsihin ang kapatid mo! ", mariin na bigkas ni Mama, halata sa kanyang boses na nagagalit siya sa hindi ko malaman na dahilan. " Ma ano ba! Walang sakit si Bianna kaya hindi natin siya kailangan dalhin sa ospital Ma! Can you please stop? ", mahinahon ngunit naiinis na bigkas ni kuya. Nagtataka ako, bakit ako kailangang dalhin sa ospital? wala naman akong sakit ah? " Baka ano... baka may diperensya si Faye sa pag-iisip Llyod, ayoko nun. ", ani ni Mama, bakas sa boses niya ang takot. Ako? may diperensya sa utak? gusto nila akong ipa-ospital kasi akala nila may sakit ako sa pag-iisip? Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko kaya dali-dali ko iyong pinunasan. " Ma, walang sakit si Faye sa utak. Please! Masasaktan si Faye sa mga sinasabi mo Mama! ", nawawalang ganang sabi ni Kuya. Hindi ko na nakayanan kaya napahikbi ako, at sabay nun ay ang paglabas ko sa aking kwarto. Ganun na lamang ang gulat nila Mama at Kuya nang makita nila ako. " Wala po akong sakit sa pag-iisip Mama, hindi niyo po kailangan ipa-ospital ako. Thankyou po sa concern. Mauna na po ako. ", dire-ditetso kong sabi at sabay ngiti ng tipid, nakita ko ang pag-sapo ni Kuya sa kanyang noo. Dire-ditetso akong naglakad patungo sa hagdan at rinig ko ang sigaw ni Mama sa aking pangalan ngunit binalewala ko lamang. " Bianna Faye! ", sigaw ni Mama. Nakita ko si Dada sa aming salas at napatayo siya nang makita akong nagpupunas ng luha. " Why princess? is there anything wrong? ", malumanay sa tanong sa akin ni Dada. Tinitigan ko si Dada sa kanyang mata at naisip na, siguro kaya sila nandito para kumbinsihin akong magpa-ospital. Kailan pa sila nag-isip nang ganun sa akin? Tipid akong ngumiti kay Dada at nakita ko siyang napabaling sa aking likuran, narinig ko rin ang mga sunod-sunod na yapak. " I'm fine Dada, pasok na po ako huwag nyo na po ako ihatid. ", tipid kong sabi kaya napa-baling sa akin si Dada. Bago pa lamang siya makapag salita ay naglakad na ako patungo sa aming parking lot. Lumuluha at pakiramdam ko binagsakan ako ng lupa. Sarili kong pamilya ganun ang tingin sa akin? Bakit? Naramdama kong nag simula nang umandar ang aming sasakyan at pinili ko na lamang na tumingin sa bintana ng aming sasakyan. Napabaling ako sa banda ng aming driver nang magsalita ito. " Ma'am Faye, anong oras ko po kayo susunduin mamaya? ", tanong sa akin ni Manong. Napabuntong-hininga ako at inisip kung anong oras ang tapos ng klase ko ngayon. MWF kasi ang pasok ko. Kinuha ko ang aking cellphone at tinignan ang schedule ko sa calendar at nakita ko na 3pm ang tapos ng klase ko. Masyado pang maaga yun. Nakita ko na sinu-sulyapan ako ni Manong, mukhang hinihintay ang isasagot ko. Masyado pang maaga at ayoko rin umuwi ng maaga dahil sa nangyari kani-kanina lamang kaya siguro mas mabuting mamasyal muna ako sa mall, kahit ako lang mag-isa. " Uhm Manong, text ko na lang po kayo kung kailan nyo po ako susunduin. ", malumanay kong sabi may kasamang tipid na ngiti. " O-oh sige po Mam. ", halata sa boses ni Manong ang pagkakataka. Siguro ay naisip niya na sa tagal-tagal niyang naghahatid-sundo sa akin ay ngayon pa lamang ako hindi sigurado sa oras nang aking pag-uwi. Hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng school kung hindi lamang nagsalita si Manong Fernan sa akin. " Mam Faye, nandito na po tayo. ", malumanay na sabi ni Manong. Agad kong binalingan ang paligid, nakita ko na maraming estudyante ang nagpapasukan, grupo-grupo at nagkakatuwaan. Iniisip ko, unang araw pa lamang ng pasukan magkakakilala na agad sila? Mahirap bang makipag-kaibigan? o baka ako lamang ang nahihirapan. Napabuntong hininga ako at sabay ayos ng aking gamit upang makalabas na sa aming sasakyan. Paglabas ko mula sa aming sasakyan ay narinig ko rin ang pagtunog ng ibang pinto ng sasakyan. Nilingon ko iyon at natanaw na lumabas si Manong Fernan at tumungo sa aking pwesto. " Mam, nagtext po sa akin si Sir Llyod at pinasasabi po sa inyo na siya daw po ang susundo sa inyo mamaya. ", ani ni Manong. Si Kuya? bakit siya ang susundo sa akin? hindi ba siya busy at pag-lalaanan niya ako ng oras para sunduin? hindi naman siya ganun dati, hindi sila nag bibigay ng oras at atensyon sa akin. " Bakit daw po? hindi po ba siya busy Manong? ", tanong ko kay Manong at bakas na rin siguro sa boses ko ang pagdi-digusto. " Uhm Mam hindi ko rin po alam eh, pinapasabi lang po ni Sir.... ", pahina nang pahina na sabi ni Manong. Siguro ay alam ko na ang dahilan kung bakit sila nag lalaana ng oras sa akin. Napabuntong-hininga ako at binalingan ang aking paligid, kakaunti na lamang ang pumapasok sa loob ng school. Tinignan ko ang relo sa aking pulso at nakitang 30mins na lamang ay mag sisimula na ang klase. " Tetext ko na lamang po si Kuya, Manong. Salamat po sa paghatid, ingat po kayo. ", sabi ko pag baling ko kay Manong at sabay ngiti ng tipid. Tumango lamang ito at tinalikuran ko na siya upang maglakad papasok sa school. Kinuha ko ang Index Card mula sa aking bag para makita kung anong number ng aking room na papasukan, basta alam ko nasa highest section ako. Room 306, ibig sabihin sa third floor pa ang aking room. Medyo mahaba-habang lakarin pero kailangan kong mag madali at baka mahuli pa ako sa unang klase. Napatingin ako sa mga nakakasabay kong estudyante, halos lahat ay nakagrupo, may kanya-kanyang kasama, kaibigan. Pansin ko rin ang tingin nila sa akin at pakiramdam ko hinuhusgahan na naman nila ako. Yumuko na lamang ako atmas binilisan na lamang ang paglalakad para maka iwas sa tingin ng iba, nakakakaba ngayong araw. Nakakabanibago. Napaatras ako at napa-upo sa sahig nang may mabangga ako. " Ouch! ", inda ko dahil may nakatapak sa aking daliri. " Sorry Miss. ", rinig kong sabi nung nakatapak, balak pang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko ito. Hindi kailangang hawakan, okay na ako sa sorry! " Okay lang. ", nakayuko kong sabi at kita ko ang pagalis nito sa aking gilid. Ganun na lamang ang gulat ko ng may lumuhod sa aking harapan kaya bigla akong napa-atras nang aamba siyang hahawakan ako. " U-hm Miss, pasensya na hindi kasi kita nakita. ", malumanay na bigkas ng lalaki. Napa-angat ako ng tingin at ganun na lamang ang kaba ko nang magtagpo ang mga mata namin. May kakaiba sa kanyang mga tingin, kakaiba! " Okay lang. ", sabi ko at sabay tayo. Aakma siyang tutulungan ako ngunit umiling lamang ako sakanya. Pansin ko na nasa kalagitnaan kami ng corridor at agaw pansin sa lahat. Iba rinang tingin halos sa akin ng kababaihan at alam ko na agad kung bakit. " I'm sorry Anna. ", sabi nung lalaki sa aking harapan habang pinapag-pagan ko ang aking balda. " Okay lang, tsaka hindi ako si Anna. ", tipid akong ngumit at tumango bago ako naglakad papasok sa susunod na palapag. Nakarating ako sa aking room, medyo hindi komportable kasi naka-agaw pansin ako. Ano ba yan Faye! Unang araw pa lamang pero sobra na agad ang malas mo.Kanina sa bahay ngayon naman sa school. Napabuntong-hininga na lamang ako. Madaming pumapasok sa aming room at hindi ko na iyon binigyan pansin, mas pinili kong maupo sa sulok para di makaagaw atensyon sa loob ng klase. Ayun ang pinaka-iniiwasanko sa lahat. Natahimik ang paligid at hindi ko alam kung bakit, kani-kanina lamang ay nagkakagulo pa ang iba, nakikipag kilala, nakikipag tawanan at nakikisaya sa isa't isa. Bigla na lang natahimik. Nagtataka ako kaya napa angat ako ng ulo at baka makita ang aming Professor ngunit ganun na lang din ang gulat ko nang makita yung lalaking nakabanggaan ko kanina sa corridor, sa harapan ko at sa akin nakaharap ang kanyang inu-upuan, nakapang halumbaba habang nakatingin sa akin na may ngiti sa labi. Nagtaka ako kaya napabaling ako sa paligid at ganun na lamang ang kaba ko nang makita na halos lahat ay nakatingin sa akin kaya tumikhim ako at bumaling sa lalaking nasa aking harapan. " U-hm, bakit? ", munting tinig na tanong ko dun sa lalaki sa aking harapan. Ayoko nung ngiti niya, naiinis ako sa ngiti niya! " Hi Anna! ", masiglang bati nung lalaki. Naiinis ako kasi hindi naman ako si Anna, tsaka masyado naman siyang agaw-pansin hindi niya ba alam na ayaw ko nun? " Sorry, pero hindi ako si Anna na sinasabi mo. ", tugon ko, medyo hindi na gusto ang tingin na binibigay sa akin ng iba. Halos malaglag ako sa kakaibang halakhak na narinig sa lalaking nasa harapan ko. " I'm Meldwin Jace Cales, MJ for short. ", sabi ng lalaki sa aking harapan na may malawak na ngiti sa labi. Inalok pa niya ang kanyang kamay at naghihintay sa ere na abutin ko iyon. " Okay. ", tipid kong sagot at hindi na nakipag-kamay pa. Nakita kong pumasok na ang aming Professor, hudyat na iyon na magsisimula na ang unang klase. Ganun na lamang ang gulat ko nang tumawa muli ang lalaki sa aking harapan at napakamot sa kanyang batok. " Ilap ka nga sa tao Anna. ", tumatawa niyang sabi sa aking harapan. Napakunot ako sa aking noon. Hindi naman ako si Anna eh. " Okay class, go to your seats now. ", sigaw ng aming Professor at sabay nun ang kanya-kanyang pagtayo ng ibang kong kaklase. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko iyong lalaki, MJ ba? hindi ako sure. Nakatanaw sa akin at may ngiti sa labi. Umiwas ako ng tingin, hindi na gusto sa kilos nung lalaki, masyadong creepy ha? Hindi ko na lamang siya binalingan muli, pero ramdam ko ang tingin niya sa akin mula sa aking gilid. Nakaka- conscious naman to! Ako lang ba tao dito? Pansin ko rin na madaming tumatawag sa kanya, marami siguro siyang kaibigan. Halata rin na sikat siya sa school. Unang pasukan, sikat agad siya? Siguro dah talented siya? Baka nga. May sumisitsit sa gilid ko at alam ko na agad kung sino yun. Iritado ko itong binalingan, kulit! " Can you please shut up? ", malumanay kong sabi kahit bakas ang pag kakairita sa aking boses. Hindi naman ako mabilis mainis sa isang tao, ngayon lang. Hindina rin maganda ang pinakikita ng lalaking to. Ayoko maka-agaw ng atensyon at dahil sa kanya hindi nangyayari yun. " Sorry ulit, Anna. ", sabi niya na at ngumisi. Pansin ko na nawawala ang kanyang mata tuwing ngumingisi at lalo na kapag tumatawa. " Hindi ako si Anna, okay? ", sabi ko nang hindi siya muling nilingon dahil nagsimula nang magsalita ang Professor sa unahan. " Hahaha fine! Nice meeting you Bianna Faye Andres! ", ani nung lalaki habang tumatawa ng tipid. Gulat akong napalingon sa kanya. Kumindat siya at ngumisi sa akin bago humarap sa unahan na may malawak na ngiti sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD