Kendrid Cole Villaluz-Pendleton "Hmmmmm" ungol ko nang magising ako. Nang sandaling maimulat ko ang mga mata ko ay bumungad saakin ang kadiliman at ang tanging ilaw lamang ay ang ilaw na mismong nakatutok saakin nang tangkain kong bumangon ay kaagad ulit akong napabalik sa pagkakahiga at doon ko lamang nakita na nakagapos pala ako. Pilit kong inalala kong anong nangyare bago ako nawalan nang malay tanda ko na sumasayaw kami ni Ziro sa gitna nang biglang nagblack out at dahil sa nagpanic ako ay napahiwalay ako kay Ziro at bigla na lamang may tumakip nang isang panyo sa ilong ko kaya hindi na ako nakasigaw pa pinilit kong magpumiglas pero unti unti akong nanghina dahil sa hindi ko alam na kemikal na inilagay nang taong kumuha saakin sa panyo na ipinantakip nito sa ilong ko. "

