Kendrid Cole Villaluz-Pendleton Nagpaiwan si Lolo sa sakahan kaya nauna na kami ni Ziro na umuwi sa bahay nila Lola hindi ko alam pero tila ba gumaan ang pakiramdam ko ngayon na kasama ko sya hindi kagaya noon na galit ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya at lagi kong naaalala ang mga masasakit na ginawa niya saakin napangiti na lamang ako nang walang dahilan dahil naalala ko ang sinabi ko kay Lolo kanina tungkol sa sinabi niya. ••**••Flashback••**•• "Pag isipan mong mabuti ang mga sinabi ko sayo apo gusto ko lamang na sumaya ka nang tuluyan at alam kong siya lamang ang makakapagbigay noon sayo" saad pa ni Lolo habang nakatingin kami sa papalapit na si Ziro sa gawi namin habang suot suot ang magandang ngiti habang hawak ang mga prutas na nakabalot sa damit niya. T

