Kabanata 10

2411 Words

Noong makalabas sila sa lomihan ay sumikat na ulit ang araw. Naalala niyang may gagawin pa nga pala siya ngayong araw na ito. Magpapadala ulit siya ng pera sa kaniyang magulang. Dala niya na rin naman ang pitaka niya kaya tutuloy na siya sa bayan. Bago naman siya lumabas ng apartment niya ay nakaligo na siya, at maayos namang tingnan ang damit n suot niya. May pera na naman siya dahil nakuha niya na kahapon ang kaniyang sahod. Magpapadala ulit siya ng pera para may panggastos ulit ang kaniyang pamilya. Ang isang libo ay itatabi niya na at ang matitira sa sweldo niya ay panggastos niya sa araw-araw. "Saan ka pupunta?" tanong nito sa kaniya noong nagpaalam siya. "Sa bayan," sagot niya. Tumungo siya at binuksan ang kaniyang wallet. Binilang niya ang pera niya para masiguro na sakto ang da

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD