Kahapon ay nakasabay niya si R. Naging maayos naman ang pag-uusap nila kagabi, hindi naman sila nagka-away sa magkaiba nilang opinyon sa buhay. Naging maganda ang usapan nila. Ligtas din silang nakarating sa street nila kagabi. Nagpasalamat siya kay R dahil inilibre siya nito ng chicharon noong may dumaan na nagtitinda habang nag-uusap sila sa harapan ng apartment nila. Imbis na pumasok sila agad sa kaniya kaniya nilang apartment ay nag-open pa ito ng isang topic at nakuha nito ang atensyon niya. Naalala niya pa ang itinanong ni R sa kaniya bago sila naghiwalay. "Kung may isa kang hihilingin sa buhay? Ano ang gusto mo?" tanong nito sa kaniya. Hindi siya agad nakasagot at pinag-isipan niya muna ang tanong nito. Ano nga ba ang kahiligan na gusto niya? Ilang segundo lang ay may pumasok

