Chapter Fifteen
Mabilis nagdaan ang mga araw na parang mag-asawa na talaga sila, Iniwan muna ni Mitch si Nina sa parents nito, Tinutulungan niya kasi si Daisy sa kasal niya bukas, Si Agatha naman ay nasa Boracay para magpractice sa Philippine Fashion Week.
“Best parang tumataba ka.” Puna sa kanya ni Daisy.
“Ewan ko malakas akong kumain nitong nagdaang araw Best, Gusto ko ngang kumain ng manggang hilaw ngayon e.” Biglang natigilan si Daisy sa narinig.
“Best when is your last period, hindi kaya buntis ka ulit?” Kinabahang bigla si Mitchelle sa sinabi ni Daisy, Dapat nga pala ay last week pa ang period niya.
“Best wait mo ko babalik ako agad, bili lang ako ng pregnancy test sa botika sa baba.”
Wala pang limang minuto nang gamitin niya ang pregnancy test ay agad nagdalawang guhit ito.
“Best, positive.” Mahinang sambit nito.
“Oh Best bakit ka malungkot? Hindi ba dapat masaya ka lalo na at nandyan naman si Anton ngayon.”
“Hanggang ngayon kasi best hindi pa rin malinaw kung ano talagang plano niya para sa amin, Yes alam ko inaalagaan niya ako, pero hindi parin niya sinasabi ang tungkol sa kasal. Ngayon buntis na naman ako, Hindi ko alam best.” Napapailing na sambit ni Mitch.
Sinundo siya ni Anton nang bandang ala siyete ng gabi sa bahay ni Daisy. Napansin ni Mitch na hindi ito ang ruta nang pabalik sa suite nila. Agad niyang tinanong ang lalaki.
“Anton, saan tayo pupunta?” Ngiti lang ang sinagot nito sa kanya.
Nagiging pamilyar na ang binabaybayang daan ni Mitchelle, Papunta ito sa Garden Restaurant sa Makati, sa lugar kung saan niya sinagot si Anton.
Inalalayan siyang bumaba ng lalaki, Mapapansing walang ibang customer ang restaurant na iyon kundi sila lang. Kamukha dati ay puno ng petals at scented candles ang dinadaan nila. Amoy na amoy parin ang Aloe Vera scent sa lugar na yon. Sa center Garden nito ay may naka ayos na mesa na sinadya para sa kanila, Meroon ding tumutugtog na pianista, It was too romantic for Mitch. Inaya siya nitong kumain, A man wearing chef’s uniform ang nag serve para sa dinner nila.
Tumutugtog ang piano version ng kantang Out of my League ni Stephen Speaks.
'Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
'Cause she's all that I see
And she's all that I need
And I'm out of my league once again
Inaya siyang sumayaw ni Anton, Sunod sa musika ang kanilang galaw, Sweet. Romantic. Sensual. Yun ang nararamdaman ni Mitchelle. Yakap yakap siya ni Anton. Kagyat na lumayo si Anton kay Mitchelle. Hawak hawak nito ang kamay niya.
“Seven years ago, Dito mo ko sinagot Mitchelle. I am the happiest man that day, Nagkaproblema tayo at nagkahiwalay but then here you are here again, your hands next to mine. Thank you for giving me the best gift I’ve ever have. Thank you for giving me Nina.”
Lumuhod sa harap niya si Anton, at kinuha ang isang maliit na kahon sa loob ng bulsa niya. Binuksan niya ito, Isang oval shape Diamond white gold ring ang laman nito. Napakaganda nito at parang bituin ang kinang nito.
“Mitchelle Suarez, I love you and I can’t stop myself falling in love with you. Will you marry me?” Madamdaming pahayag nito.
Hindi maiwasan ni Mitchelle ang mapaluha. She was so happy, ngayon alam niya nang Mahal parin siya ni Anton.
“Yes Anton, Yes.” Hinalikan niya ang lalaki sa labi nito. Nagyakapan sila, Hindi napansin ni Mitchelle na may mga tao na pala sa paligid nila, Unti unti nagpalak pakan ang mga ito. Nang Makita niya, walang iba kundi ang pamilya niya, Si Agatha, Si Daisy at ang anak nitong na hanggang tenga ang ngiti.
“Yes!” Sa labis na kaligayahan, Binuhat siya ni Anton.
She whispers. “Stop Anton, put me down, mahihilo si baby.”
Binaba siya ni Anton at tinitgan nito.
“You mean? I am father -- again?!” Buong ngiti itong tumango.
“To our family and our friends, I’m gratefully announcing that my soon to be wife is pregnant again, let’s cheers on that, I hit the Jackpot prize for the second time, Yea!” Buong kasayahang inanunsyo ni Anton.