Chapter I - The Human Barbie

2316 Words
Chapter  1 It was her first day at school, Panay ang paglinga linga ni Mitchelle sa main building ng kanilang Unibersidad. “Mitch!, here” tili ng bestfriend nyang si Daisy habang papalapit sa kinatatayuan nya. Hinila nya ang kamay ng kaibigang si Mitch at nagyayang maglakad papunta sa canteen. “So kumusta naman ang Singapore? Two months ka rin nag bakasyon dun ah.” Tanong ni Daisy, “Okey naman, we love spending our day shopping at Bugis Street. Alam mo naman yun lang and pinaka bisyo ko, ang magshopping nang kabongahan!” Sagot nya. “Well, kung kasing yaman lang naman kita e malamang yun din ang maging bisyo ko.”  biro nya. They were bestfriend since highschool,  pareho silang nangaling sa Mary Help School  isang exclusive school for girls at ng nag college sila,  Pumasok sila sa St. Matthew University at parehong  kumuha ng kursong HRM.  Ang pamilya ni Daisy ay may ari ng isang maliit na kainan sa kanilang lugar, Samantalang sya naman ay nag-iisang anak ni Vice Governor Renolo Suarez, kaya ganoon nalang sya kaingitan ng kanyang mga naging kaklase nya , Maliban kasi sa may-kaya ang pamilya nya ay biniyayaan pa sya ng makinis at maputing kutis, magandang mukha at matalinong pagiisip, She was 5’8 in height , with hazel brown eyes, maliit at matangos na ilong at pink pouty lips. She was once called Barbie, dahil mukha syang manyika. She was crowned as Miss University last year kahit na sya ang pinakabata sa mga candidate nung taon na yon.  She was very popular in her campus. Marami syang manliligaw pero hanggang ngayon di nya pa nararamdaman ang “spark” na hinahanap nya. “So, ano ang first subject natin best? “ “Theology III” “Gosh, kaka antok naman first subject natin, Sana man lang hindi ko tulugan yung magiging prof natin” wika ni Mitch. “Tiyak na hindi ka aantukin sa klase natin ngayon dahil masungit daw yung professor ng Theo III natin,baka bigla tayong bigyan ng tres at maalis tayo sa pagiging DL” sagot ni Daisy. “Sira ka talaga best! As if naman tutulugan ko talaga yun noh. Hay naku, Dalian nga natin sa paglalakad at ng makauna tayo sa upuan”. Pagpasok nila ni Daisy sa classroom ay biglang napako ang tingin ni Mitch sa lalaking nakaupo sa bandang likuran.  Ang guwapo ng lalaki. Kahit hindi ito nakatayo ay sigurado si Mitch na matangkad ang lalaki.  Maputi ang balat, Dark gray eyes na may pagka chinito at may kalakihan ang pangangatawan. Para syang natulala, bagay na napansin agad ni Daisy kaya lihim syang siniko ang kaibigan. “Hoy miss Suarez, ano’ng nangyayari sa iyo , ha?” “w-wala” Wala nang bakanteng upuan sa tabi ng lalaki pero may tatlo pang bakanteng silya sa unahan nito. Pinili ni Mitch ang bandang gitna kung saan nakahilera nya ang maputing lalaki. Si Daisy naman ay umupo sa kaliwang gilid nya. Five minutes pa bago mag 1 o’clock kaya hindi pa dumadating ang kanilang professor. Akala nya nung una ay aantukin talaga sya sa theo class nya, ngunit napagtanto nya na magiging excited sya sa pagpasok sa subject nyang  yon. “Mitch, ang cute nung guy sa likod mo” bulong sa kanya ni Daisy. Ngumiti sya sa kaibigan. “Napansin mo din pala, sasabihin ko na pamandin sana sayo, naunahan mo lang ako” aniya, saka idinugtong pang, “Daisy, na sa kanya na ata spark na hinahanap ko, nakita mo ba? Sya na yata ang man of my dreams ko, Maputi na, Matangkad pa, at Dark gray eyes na may pagka chinito pa, my ideal man.. “At palangiti pa kamo, sa tuwing titingin ako sa kanya’y nginingitian nya ako eh” “tse”  irap niya sa kaibigan. “Nauna ako no, kaya sa akin sya” wika nito. “Ay, sorry ka nalang pag ako ang niligawan nya, walang kai-kaibigan pagdating sa pag-ibig” “Loko mo, sige ka baka maniwala na nyan ako ah” Panay parin ang bulungan nila ni Daisy kaya hindi namalayan ni Mitch na may umupo na sa bakanteng silya sa kanan niya. Kaya tuloy nagulat sya ng mapatingin sya sa may kanan nya. ‘”Hi,” bati sa kanya ng lalaking nasa tabi nya. Tumingin sya rito. He was seriously handsome, Moreno, matangkad at matiim kung tumingin. Sana’y na syang tinitignan ng mga lalaki. Kapag kasi dumadaan sya sa isang lugar mapa-eskwela, mall or kahit sa simbahan pa, ay hindi puwedeng hindi tumingin sa kanya ang mga dinadaanan. Almost every guy stares at her, Stares that admires, venerates, or sometimes frankly lustful. Maliban kasi sa magandang mukha ay maganda din ang hubog ng kanyang katawan. Sanay na rin siyang ignorahin ang mga ganoong tingin. But this man who was sitting beside her was impossible to ignore. May kakaiba siyang nerbiyos na nararamdaman. Strange. “We never introduced ourselves.” Narinig nyang dugtong ng lalaki. Marahan syang ngumiti sa lalaki habang sinusubukang tumingin sa mga mata nito. “Mitch.” “Just Mitch?” napansin nyang umangat ang makapal na kilay ng lalaki. “Mitchelle- Mitchelle Suarez” “Mitchelle Suarez? Daughter of Vice Governor Renolo Suarez?” “Yes, how did you know?” curios niyang natanong. “Well, sa dami ba naman ng tarpaulin ng papa mo, im sure kahit sino ay kakilala sya” sabay ngiti sa kanya. “I mean paano mo nalaman na sya ang father ko?” balik tanong nya “It’s a wide guess actually, Konti lang kasi ang may surname na Suarez sa lugar natin dito, anyway, Nice name.” Muli’y ngumiti siya rito pero hindi pa rin nagbabago ang abnormal na pintig ng kanyang puso. Pakiramdam nya nga’y mas bumilis pa itong lalo. “I’m John Anton Del Mundo. Call me Anton.” Pagkatapos ng kanilang klase ay nagpasyang mag Starbucks muna ang mag-kaibigan. Habang ng kakape di mapigilan ni Daisy na magsalita. “ang cute nya no?” “sino?” kumunot ang noon i Mitch, samantalang si Daisy ay kilig na kilig. “sino pa? e di iyong classmate nating katabi mo, si Anton. Siya na ata ang tunay na Hercules. Tall, Moreno, at Shi*t!, ang gwapo.  At ang s*x appeal, grabe. It’s so magnetic na parang hinihigop ang sino mang babaeng tinitignan nya”. “mas cute iyong nasa likod ko” sagot ni Mitch. “sino?” “iyong James Delos Reyes” Tumaas ang kilay ni Daisy sa sinabi nya. “sus, hindi ako sang ayon. Kay Anton parin ako. Para sa akin mas kaakit akit at guwapo siya. At kaninang nakatayo sila, mas Matangkad pa. Makalaglag panty ang s*x appeal. Lalaking lalaki ang tindig. Iyon tipong kapag nandyan sya alam mong secured ka.” “Objection best,” mabilis na sagot ni Mitch. “Mas guwapo si James at mas malakas ang appeal nya”. Umismid si Daisy. “Oo na, hindi na ako makikipagtalo sa yo, ganito nalang para magkasundo tayo,  Sayo si James, akin si Anton, Mitch, pag theo III class natin palit tayo ng upuan no?” “Ay! Thanks but no thanks”. “Bakit?, akala ko pa ayaw mo okay Anton?” “di naman sa ayaw ko, di ko lang sya type, Kasi naman po, pag nakipagpalit ako, e di di na kami magkahilera ni James ko” kilig na sagot nya. “Yihhh, kainis ka naman best, ikaw na ang swerte sige, Katabi mo na si Anton, kahilera mo pa si James. Saan ka pa?” maktol ni Daisy “Sus, Daisy talaga, wag kang mag alala, ilalakad nalang kita kay Anton, Okey?” “Sinabi mo iyan ha?” “oo naman, ako pa? “ Tuwing Theology class nila ay sinisiguro ni Mitch na magandang- maganda sya. Hindi lang yon, Nag-aaral din syang mabuti sa subject na iyon. Kung dati –rati’y inaantok sya sa subject nyang yon, Ngayon talagang ine-enjoy nya ang bawat minuto. Syempre nag papa impress sya kay James. Nalaman nyang twenty one years old na si James, magkasing edad sila ni Anton, bale tatlong taon ang tanda nila sa kanya. Pareho nilang binabalikan ang Theology III dahil papalit-palit sila ng kurso. Habang nasa klase, panay ang lingon ni Mitch sa kanyang likuran, Pero ang nakakainis, parang di nakikita ni James ang pagpapacute nya. Minsan napapansin niyang may bina vandal ito sa likuran notebook niya, madalas naman ay panay ang paglalaro ng clash of clan o panay ang pagtetext nito. Ngayon nga’y naglalagay na sya ng lip gloss para mas maging kissable ang pink pouty lips niya. Pana’y na rin ang spray nya ng kanyang Paris Hilton Heiress Perfume para pag hinangin sya ay maamoy agad ni James ang halimuyak nya. “Ano yang nasa labi mo?” Napatingin si Mitch sa kanan nya para sundan ang pinangalingan ng boses. “What?” “Mantika iyang nasa labi mo or Fried chicken ang lunch mo?” tanong uli sa kanya ni Anton. Halatang na amused ito sa kanya. Buwisit na buwisit at katakut-takot na irap ang isinagot ny sa lalaki. Pero nagtataka sya kung bakit ang bilis ng pintig ng puso nya, at naiinis sya kung bakit parang hindi maganda ang dating ng pagpapaganda nya sa paningin ni Anton. Para bang naiinis ito sa pagpapaganda niya. Kung iba lang na lalaki ang kaharap nya, sigurado syang lalong maa- attract ang mga ito sa kanya. Sa buong klase nila ay hindi niya talaga pinansin si Anton at sinasadya niyang huwag mapatingin sa gawi nito. Fifteen minutes bago matapos ang Theo class nila’y may iniabot na kapirasong papel sa kanya si Anton. Binasa nya ang nakasulat doon. SORRY. Saka lang siya tumingin sa lalaki. “Nagbibiro lang ako kanina Mitch, di kasi ako sana’y na nagpapaganda ka, kasi para sa kin maganda kana” anito. Namula ang kanyang pisngi sa sinabi ng lalaki, Hindi niya alam pero may something siyang nararamdaman kay Anton na hindi niya rin mapaliwanag. “Kalimutan mo na iyon” “Hindi ka na galit?” Umiling sya. “Hindi na.” “So, puwede ba kitang ayaing mag-snack mamaya?, “ Nabigla siya sa pag-aayang iyon ng lalaki. “ha?, pero may klase pa ako hanggang 6:00 pm” “e di dinner nalang.” Nag-isip si Mitch, baka magalit sa kanya ang bestfriend na si Daisy. Pero parang hindi nya kayang tanggihan ang  imbitasyon ni Anton. “Sige, pero agad tayong umuwi ah? Baka kasi pagalitan ako ni papa. at isa pa, isasama ko si Daisy kung okay lang sa’yo” “Sure, I’ll pick you up later, Daan muna ako sa library, bye for a while babe.” Nabigla sya at medyo kinilig sa endearment  na kanyang narinig,  Parang naguluhan tuloy sya, Paano kung si Anton nalang ang gustuhin nya, mukhang wala naman syang pag-asa kay James.    “Daisy?” bulong nya. “Yes? Hala, sabihin mo na ang gusto mong sabihin, tinatawag mulang naman ako sa buo kong pangalan pag may I co-confess ka” ganting bulong ni Daisy. “Kasi, inaya ako magdinner mamaya ni Anton, sinabi ko sa kanya isasama kita” “Para ano? Maging chaperon mo?” “Hindi no, gumagawa nga ako ng way para magkalapit kayo, Alam mo naman si James ang type ko diba?” sabi nya sa kaibigan. Pero bakit ganoon ang pakiramdam niya? Parang nagsisinungaling sya sa kaibigan nung sinabi niya yon? May kirot sa puso niyang hindi niya maintindihan. “Ang kaso’y gusto ka ni Anton” Napaawang ang labi niya sa sinabi ni Daisy. “Ano’ng?” “Totoo iyon, kanina ay kinausap nya ko nong kausap mo ang prof. natin, Tinanong kung may boyfriend ka na raw. Tapos habang tinitignan ka nya, may pangingislap sa mata nya na hindi ko nakikita pag ako ang tinitignan nya. Hindi kumibo sa Mitch sa narinig. Nang patungo na sila sa huling subject ay muli nyang kinausap si Daisy. “Galit ka ba sakin best?” “Ha? Ako,  magagalit sa iyo? Saan mo naman napulot ang ideya na yan?” parang nagulat pa ito sa itinanong nya. “Dahil kay Anton” Ngumiti sa kanya si Daisy. Iyong sinserong ngiti ng kanyang kaibigan. “Hindi ako galit no, Alam ko naman na simula palang ikaw ang gusto nya.On the way he looked at you may hinala na ko na type ka nya, Di ko naman kailangan makipag kompitensya sayo pagdating sa lalaki. Ang babaw naman nun. Isa pa, Iba talaga ang dating mo pagdating sa mga boys.” Sabay kindat pa nito. Pabirong inirapan ni Mitch ang kaibigan. “ang akala ko lang naman e galit ka sa akin, di mo naman ako kailangan bolahin pa” “Ang totoo’y naku-kyutan lang ako kay Anton at mas gusto ko sya para sayo kesa  kay James. Mas mukha kasi syang responsible at in fairness mas guwapo talaga siya kesa kay James no, Kuu! Atsaka anong mapapala mo doon sa James nayun? Walang ibang ginawa kundi mag pa level up ng Clash of Clan niya.” “Pero ewan ko, sa kanilang dalawa, mas napapansin ko si James, dahil siguro isang tulad nya ang ideal man ko, Maputi, Matangkad at Dark gray eyes na chinito.” “Di naman totoo yung ideal man best e, puso parin ang nagdedecide kung kanino titibok ito.” “may ganoon?” “Oo naman noh! Pak Ganon! pero Mitch, - ha” “Ano?” “Huwag mong sasabihin kay Anton na may crush ako sa kanya ha. Baka hindi na lumapit sa kin iyon para magpalakad sa iyo kung sakali. “Okay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD