TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 21 ACEBO COUSINS DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. MAAGA AKONG nagising ng marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto na tinutulugan ko ngayon. Walang gana na iminulat ko ang aking mga mata at napasimangot sa pagbangon. Bakit wala akong gana? Hindi kami magkatabing matulog ni Ambrose sa kama! Akala ko nga ay magkatabi kaming dalawa eh. Hinintay ko siyang pumasok sa kwarto, pero inaantok na lang ako pero hindi pa rin siya pumasok kaya natulog na lang ako na mag-isa sa kama na hinihigaan ko. At ngayon ay nakita ko na mag-isa nga talaga ako sa kama. Sigurado ako na sa ibang kwarto natulog si Ambrose. “Dianne, gumising ka na diyan! Nasa labas na ang mga pinsan ko!” narinig ko na sabi ni Ambrose sa labas ng kwarto. Nang sabihin iyon ni

