TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 140 TEMPTING JOAQUIN’S POINT OF VIEW. JENELOU CALLED me, and I didn’t expect her to contact me again despite what happened lately. Alam ko na alam na niyang alam ko ang ginawa niya, but still, she called me. “Q-Quin…” Matagal akong hindi nakakapagsalita ng marinig ko ang kanyang boses. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Narinig ko ang malalim niyang pag buntong hininga sa kabilang linya at muli siyang nagsalita. “Quin, I know you’re mad at me, but believe me… I love you.” Humigpit ang pagkakahawak ko ngayon sa aking phone ng marinig ko na sinabi iyon ni Jenelou. I know her. Hindi niya kaagad sinasabi sa akin ang gusto niya, inuuto niya muna ako—at nagpapauto naman ako sa kanya. Pero ngayon, hindi na ako magpapauto sa kanya. Pero

