TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 60 BABY MILLER DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. HININTAY KO kung saan kami makakarating ni Ambrose ngayon at nagtaka na lang ako ng makita ko na papunta kami ngayon sa cemetery kaya napatingin ulit ako sa kanya habang nakakunot ang noo. “Bakit tayo nandito sa cemetery, Ambrose? Sino ang pupuntahan natin ngayon dito?” tanong ko sa kanya. Napasulyap sa akin si Ambrose at bahagya siyang ngumiti sa akin bago niya pinatigil ang kanyang sasakyan at tumigil kami sa isang mausoleum. Napakunot ang noo ko habang nakatingin dito at nakita ko na lang na bumaba na si Ambrose kaya bumaba na rin ako at sumunod sa kanya. Lumapit ako kay Ambrose at muli akong nagsalita. “Sino ang nandito, Ambrose?” tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay at n

