TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 26 CAUGHT DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. AMBROSE KISSED me in my lips! Yes, hindi ito ang unang beses na magkahalikan kami ni Ambrose. Pero ito ang unang beses na siya ang humalik sa akin na hindi siya napipilitan. At ito ang unang halikan naming dalawa na walang nakakakita at sobrang tagal talaga ng halikan namin ngayon. Nakaupo na ako ngayon sa ibabaw ng lamesa habang nakakapit ako sa ulo ni Ambrose at siya naman ay nakapulupot ang kanyang braso sa aking bewang at ang isa niya namang kamay ay nasa batok ko nakahawak. Nawawalan na ako ng hinihinga dahil hindi ako tinitigalan ni Ambrose sa paghalik sa akin, pero ayokong tumigil—hindi ko kayang tumigil. Habang patuloy kaming naghahalikan ni Ambrose ngayon ay natigil na lang kami ng may pumas

