TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 125 I MISS YOU DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. SOBRA AKONG nasasaktan sa nangyari kay Ambrose. Hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan dahil hindi niya ako nakikilala. Nang dahil sa kondisyon niya ngayon, napagpasyahan nila Mama Lara at Papa Adler na doon na muna si Ambrose sa Miller Mansion naninirahan. At dahil gusto kong makatulong sa kanya na bumalik ang kanyang ala-ala sa akin… sa amin ng anak niya, dito na rin muna kami titira ni Brianna sa mansion. “Anak, pasensya na talaga kung hindi pa kayo pwedeng magsama ni Ambrose iisang kwarto. Alam ko na mag-asawa kayong dalawa, pero hindi ka pa niya naaalala. Baka kung ano rin ang gawin niya sa inyo, nag-iingat lang din kami,” sabi ni Mama Lara sa akin ng makapasok siya sa magiging kwarto nam

