TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 49 I ALWAYS CHOOSE YOU DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. SINAPAK NI Ambrose si Queeny sa harap ng maraming tao. Sa harapan ng mga magulang namin, sa harapan ng Ong Family na new business partners ng Miller Empire. Nang dahil sa nangyari ay pinatigil ni Papa Adler ang party. Pinaalis din si Queeny sa loob ng hall at umuwi na rin ang mga bisita. Nakita ko naman na pumasok sa isang room si Papa Adler kasama niya si Ambrose at ang Ong Family. Akmang pupunta ako doon nang tawagin ako ni Mama Lara. Nandito pa rin kami sa loob ng event place ni Mama Lara. Sila Mom at Dad naman umuwi na dahil pinauwi na silang lahat at kami na lang mga Miller ang nandito. Umupo kami sa isang table ni Mama Lara at humarap siya sa akin habang seryoso ang tingin niya sa ak

