TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 36 PAGKUKULANG DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. NAKANGITI PA rin ako hanggang sa makapunta ako sa bahay ng aking mga magulang. Buong araw na ata akong masaya ngayon at kasalanan ‘to ni Ambrose. Ngiti niya pa lang sa akin ay kinikilig na ako ng sobra kaya kasalanan niya talaga kung bakit hindi ko maitago ang saya ko ngayon. May dala akong mga prutas para kay Mommy ngayon ng makapunta ako sa bahay ng mga magulang ko. Kahit na na-discharge na si Mommy ay maingat pa rin ang mga galaw niya ngayon kaya may personal nurse rin siya rito sa bahay na siyang tumutulong sa kanya sa paglalakad at kung ano ang kanyang gagawin. “Kamusta kayo ng asawa mo, Dianne?” tanong sa akin ni Mommy. Nandito kami ngayon ni Mommy sa may garden area sa labas ng bahay ng m

