TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 68 I’M SORRY DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. HINDI AKO makagalaw sa aking kinatatayuan ngayon ng halikan ako bigla ng taong humila sa akin. Ginamit ko ang lahat ng aking lakas nang matauhan akong itulak itong tao na humalik sa akin. Mabilis ko naman na binuksan ang switch ng ilaw dito sa madilim na kwarto at nanlalaki ang mga mata ko ng makita ko si Ambrose. Siya ang humalik sa akin. Nang makita ko ang kanyang pagmumukha ay hindi ko na mapigilan ang aking sarili at sinuntok ko na siya sa kanyang mukha. “f**k! Aray!” daing niya sa aking ginawang pagsuntok sa kanyang mukha. Napahawak din siya ngayon sa kanyang mukha. “Asshole!” galit kong sigaw sa kanya. Siya lang pala ang humila sa akin at humalik. Akala ko kung sino na! Kinabahan ako ng so

