TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 80 ANG PAG-AMIN DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. MAY HINDI ba ako nalalaman tungkol kay Ken? May problema ba siya kaya parang ang lungkot niya ngayon na malamang nagkaayos na kami ni Ambrose? “Ken, may problema ba?” alala ko na tanong sa kanya. Humakbang ako palapit sa kanya at umupo ako sa kanyang tabi habang nakaharap sa kanya. Seryoso ang ekspresyon ko sa mukha ngayon habang nakatingin sa kanya. I want to know the truth kung bakit parang hindi siya masaya ngayon. Lagi niya na lang akong tinutulugan kapag may problema ako. Kaya ngayon na nakikita kung hindi siya okay ay tutulungan ko rin siya sa abot ng makakaya ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay at bahagya ko itong pinisil. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha ng gawin ko iyon sa kanya pe

