TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 40 GALIT NA NAMAN DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. NAKITA KO kung paano lumabas ang utak ni Andrew sa pagbaril ni Ambrose sa ulo nito. Parang sanay na sanay na si Ambrose na gawin iyon kaya wala na sa kanya. At nang tingnan ko ang kanyang mukha… parang sayang saya pa siya. Nakaramdam ako ng konting takot kay Ambrose. Nasaksihan ko ang isa pang side ng kanyang sarili… ang kanyang devil side. “Dianne, kumain ka muna…” wika ni Manang Lucia sa akin. Pumasok siya sa loob ng kwarto ko habang may dala na bowl na may laman na lugaw. Nilalagnat ako ngayon at hirap akong magsalita ng dahil sa pagkakasal sa akin ni Andrew. Hindi na ako dinala sa hospital ng mawalan ako ng malay kagabi. Dito na lang sa bahay at may pinadala lang sila na doktor. Kapag ka

