TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 127 HIS FAVOR DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. ANG GAAN ng loob ni Ambrose kay Brianna at sobrang saya ko no’n na iyon ang nararamdaman ni Ambrose sa kanyang anak kahit hindi niya ito kilala. Gusto ko ng ipagsigawan sa kanya na ang kanyang hawak na baby ay anak naming dalawa. Pero I won’t take the risk dahil natatakot ako na mangyari na naman iyong isinugod namin si Ambrose sa ospital. “Ang hirap naman ng buhay mo, Dianne. Bilib talaga kami sayo eh dahil sobrang tapang mo,” sabi ni Artemis sa akin. Dumalaw ako ngayon sa bahay nila dahil wala akong makausap doon sa mansion dahil nasa mga magulang ko si Brianna. Si Ambrose naman ay kasama ngayon nila Papa Adler upang magpagamot. Kaya naisipan ko na lang ngayon na dalawin si Artemis dito sa baha

