TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 102 THE CAPO DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. MALI BA talaga ang ginagawa ko ngayon sa pagsama sa kanila? Did I make our situation worse? Parang napaisip tuloy ako bigla sa mga sinabi sa akin ni Vince kanina at nakaramdam ako ng guilt. Ang gusto ko lang naman ay suportahan si Ambrose… iyon lang. Hindi na sumagi sa isipan ko ang mga consequences sa mga ginawa ko. Basta na lang akong nagdesisyon at ginawa ko ‘yun kahit na may kapalit ito na kapahamakan. Hindi ko sinunod ang utos ng asawa ko. At galit din sa akin si Vince at sinisisi niya ako kung may mangyari man na masama. “Why are you silent now, Dianne? May problema ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Ambrose at kita ko sa kanyang mukha ngayon ang labis na pa

