TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 132 MAMATAY KA NA DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. MAY HUMAHABOL sa amin ngayon ni Ambrose habang nagdadrive ako dito sa madilim na kalye. Ang lakas na ng kabog ng aking dibdib ng dahil sa kaba. Pero laging sinasabi sa akin ni Ambrose na huwag akong kabahan… na kailangan kong maging kalmado. “Just keep on driving, Dianne. Huwag kang kabahan,” muling kalmado na sabi sa akin ngayon ni Ambrose. May naalala naman ako bigla na may baril pala akong nakatago dito sa loob ng kotse ko. “Ambrose, pwede bang paki open ng glove compartment diyan sa harapan mo. Ang naalala ko ay may baril diyan na nakatago eh,” sabi ko sa kanya habang naka focus ako sa aking pag da drive ngayon. Binilisan ko na talaga ang pag da drive ko na para bang nasa fast and furio

