TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 23 SO SCARED DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. KATATAPOS LANG namin na pumunta ni Adela sa isang sikat na museum dito sa Madrid at pumunta rin kami sa Royal Palace of Madrid. May oras daw na libreng makapasok sa loob. Pero dahil umaga kami pumasok ni Adela ay hindi sana kami libre, pero kilala siya ng mga nagbabantay sa loob kaya pinapasok kaagad nila kami. Marami na akong napuntahan na countries, pero hindi pa ako nakakapunta sa Spain at isa sa gusto kong mapasukan ay itong Royal Palace of Madrid because it is the largest Palace in the Western Europe and of the largest in the world. Parang naging tour guide ko na rito si Adela sa pamamasyal namin sa Madrid. Masaya naman ako sa pamamasyal namin, pero alam ko na mas lalo akong magiging masaya kapag

