TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 99 GIVE UP EVERYTHING DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. HINDI KO ALAM kung bakit nagawa niya pang magselos kay Rafa, eh siya lang naman ang mahal ko at ang lalaking kinababaliwan niya. Gwapo naman si Rafa, pati rin si Vince, pero wala makakatalo kay Ambrose. “Kasali rin ba si Rafa sa Russo Mafia?” tanong ko kay Ambrose. Nandito na kami ngayon sa aming kwarto dahil tapos na silang mag-usap ngayon ni Vince. Binigyan na rin muna kami ni Vince na makapagpahinga kaya nandito ngayon sa kwarto namin si Ambrose kasama ako. Nakita ko ang pag singkit sa kanyang mga mata at napatingin siya sa akin. Nakaupo siya ngayon sa kama habang ako naman ay nakaupo sa isang sofa habang nakatingin sa kanya. “Why are you asking about him? Akala ko ba ay wala kang pa

