TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 129 PUSO DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. “ANO ANG ibig sabihin ng litrato na ito, Dianne?” naguguluhan niyang tanong sa akin. Napalunok ako sa aking laway ng dahil sa sobrang kaba na aking nararamdaman ngayon. Humakbang siya palapit sa akin habang dala niya pa rin ang picture frame na may litrato naming dalawa. Seryoso ang mukha ngayon ni Ambrose habang nakatingin sa aking mga mata. “Why do we have this kind of picture together? Are we… Are we a couple? Are you my girlfriend?” naguguluhan na tanong sa akin ni Ambrose. Hindi mo lang ako girlfriend, Ambrose. I’m your wife. “A-Ambrose…” “What?! Hindi mo ba sasabihin sa akin ang katotohanan?!” bahagyang tumaas ang kanyang boses ngayon habang nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatingin sa a

