TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 78 FIRST BABY DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. PAUWI NA kami ni Ambrose ngayon sa aming bahay. Nakasakay ako sa kanya kotse at magkahawak ang kamay namin habang nagdadrive siya pauwi sa aming bahay. Napatingin ako kay Ambrose at napasulyap din siya sa akin at nag ngitian kaming dalawa. Sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon at hindi pa rin ako makapaniwala na mutuals na ang nararamdaman namin sa isa’t isa ng asawa ko. Akala ko ay hanggang sa pangarap lang ito… pero hindi pala. Possible pala talagang mangyari ang imposible. Pagkarating namin sa bahay ay ako na ang unang bumaba sa sasakyan dahil ipapark pa ni Ambrose sa garahe ang kanyang kotse. Bago pa ako makapasok sa loob ng bahay ay nakita ko kaagad si Manang Lucia na naghihintay sa harapan n

