Pagbaba ko sa bus na aking sinakyan ay sumalubong sa akin ang kinakalawang na karatula kung saan nakasulat ang katagang ‘Welcome to Authi’. Malamig na simoy ng hangin ang yumakap sa aking katawan kaya naman niyakap ko ang aking sarili. I am wearing a red sleveless dress paired with black sneakers. Ang maikli kong buhok ay nililipad ng hangin dahilan upang tumabing ito sa aking mukha.
Napailing na sinuot ko ang aking salamin at palihim na pinagmasdan ang buong paligid. Wala naman akong makitang kakaiba kaya nakampante akong magiging maayos ang aking unang araw sa Authi.
Tiningnan ko ang dala kong mga gamit, isang malaking maleta na kulay pula at isang itim na backpack. Konti lang ang gamit na dinala ko at lahat ay bigay sa akin ni Deyja. Ang mga gamit na binigay ni Nickel sa akin ay tinapon ko, ang iba ay sinunog ko nang sa gayon ay hindi ko na siya muling maalala. Ngunit sino ang niloko ko? Sa bawat araw na nagdaan ay siya ang laging tumatakbo sa isip ko, subali’t imbes na maging masaya ay napupuno lamang ng poot ang aking puso.
Wala sa sariling naikuyom ko ang aking palad nang maalala muli ang ngiti ni Nickel na minsan nang naging dahilan kaya nahulog ang loob ko sa kanya.
Out of nowhere, a white Maserati Levante stopped in front of me, the windshield slowly rolled down and I saw an old man waving at me and the corners of his mouth curved into a mischievous smile.
“Miss, magkano?” tanong niya. Kinindatan niya pa ako at pinasadahan ng tingin.
Hindi ako tanga upang hindi maunawaan ang ibig niyang sabihin. Hinawakan ko ang rim ng suot kong salamin at bahagyang tinaas nang sa gayon ay makita ko ang mukha niya ng maayos.
“I don’t think you can afford me,” I sarcastically said as I removed my sunglasses. I elegantly put it inside the pocket of my backpack and flipped my hair while still staring at him. Napansin ko ang pagbakas ng inis sa kanyang mga mata ngunit hindi na niya nagawang magsalita pa dahil dumating ang sasakyan na siyang maghahatid sa akin sa bahay na aking tutuluyan.
Bumaba ang isang binata at tinulungan ako sa paglalagay ng aking gamit sa loob ng sasakyan. Bago pumasok ay sinadya kong dumaan sa harap ng Maserati Levante at kumaway sa matandang lalaki na nasa loob.
“You can have me in exchange for your life. See you again next time.” I knock the hood of his Maserati twice before slipping inside the car. Tahimik na pinaandar ng binata at kotse at pinaharurot paalis. Binuksan ko ang bintana sa backseat at pinagmasdan ang aming dinadaanan.
There’s a lot of beggars strolling in the street, men are scattered around and I’ve seen some of them with young maidens. Disgust is the only emotion I felt while I was watching them lusting over those innocent girls.
Marahan kong kinuyom ang aking palad at isa-isang tinandaan ang kanilang mga mukha.
“Babalikan ko kayong lahat,” galit na bulong ko. Biglang tumigil ang sasakyan sa harap ng sira-sirang tarangkahan.
“We’re here.” Bumaba siya sa kotse at umikot upang pagbuksan ako ng pinto. I grimaced because he’s a gentleman and I despise men like him, but he doesn’t seem to mind. He just helped me carry my luggage to the old vintage house. Iniwan niya ang aking mga gamit sa harap ng pinto at kinuha ang susi sa kanyang bulsa saka masuyong inabot sa akin. Basta na lang siyang umalis.
Sa ikalawang pagkakataon ay napangiwi ako at napailing na lang. I inserted the key into the doorknob and slightly twisted it to open. Akala ko’y puno ng alikabok ang bahay ngunit taliwas ito sa aking inaasahan. Halos kuminang na ang sahig dahil sa sobrang linis, mabango rin ang buong paligid.
Mukhang pinaghandaan ni Deyja ang pagdating ko sa lugar na ito.
Deyja sent me here to seize and punish those men who abuse and takes advantage of naïve and innocent people.
Tulad na lang ng kalalakihan na nakita ko kanina. Pinasok ko ang aking mga gamit at dinala sa silid na nasa ikalawang palapag. Dalawa ang silid at sapat na iyon dahil ako lang naman ang titira dito. Gagawin ko na lang na study room ang isa at doon ilalagay ang ilang libro na aking dala.
Pagpasok ko sa silid ay bumungad sa akin ang queen size bed at ang painting na nakasabit sa dingding. Isang bulaklak na kulay pula at sa ilalim nito ay may pangalan na Saphira.
Iniwan ko ang aking maleta at backpack saka pumunta sa kabilang kwarto. Hindi ko maiwasang magulat nang makita ang bookshelf na puno ng libro, may mesa sa kanang bahagi at may swivel chair, sa kabilang banda naman ay mayroong coffee table at couch. Halos lahat ng narito ay kulay itim at pula na siyang ikinatuwa ko.
THE LARGE mirror was in front of me and I can clearly see what Dominique is doing at this moment. She seems happy to see the mini library that I built. I know exactly what she wants, but all of things couldn’t put back a smile on her face.
Her heart was still full of hatred and that makes me loathe Nickel even more.
“Deyja?” Pumihit ako paharap kay Heiva nang marinig ang malumanay niyang tinig. Lagi na lang siyang bumibisita sa aking tahanan simula nang dalhin ko rito si Dominique.
Tinaas ko ang aking kaliwang kilay habang tinititigan ang mukha ni Heiva. She showed me her innocent smile as she walked towards me, she lifted her hands and lovingly caressed my cheeks.
“I wanted to remind you that it wasn’t your fault, so let go of the pain.” Tinuro niya ang aking dibdib at makahulugan na tinitigan ako.
Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi at tinalikuran siya.
“Hindi pa sa ngayon, dahil nagsisimula pa lang ako.” Binaling ko ang tingin sa bulaklak at nilapitan ito upang hawakan. Isang taon na pala ang nakalipas mula nang buhayin ko si Dominique at tinuruan kung paano makipaglaban.
“Alam ba ni Dominique ang tungkol kay Saphira?” tanong ni Heiva makalipas ang ilang sandaling katahimikan. Ang tinutukoy niya ay ang bulaklak na hawak ko.
“She doesn’t have to know.”
Kahit hindi ako nakatingin ay alam kong napailing siya sa aking sagot. Batid ko na ang nais niya lang ay ang maging masaya ako, subali’t hindi ako magiging maligaya hangga’t hindi nila pinagbabayaran ang kasalanan na kanilang ginawa, sa akin at kay Dominique.
Nang umalis si Heiva ay tumayo ako at lumapit sa salamin upang tingnan kung ano na ang ginagawa ni Dominique. A mysterious smile appeared on my lips when I saw her staring at the painting that I intentionally hang to the wall.