KALAT NA kalat sa buong bayan ang balita tungkol sa pagkamatay ng Gobernador na si Armando Severino. Natagpuan ang Gobernador na walang buhay sa kanyang silid. Hubo't hubad at may marka na krus sa kanyang palapulsuhan. May natagpuan din na itim na rosas na nakasaksak sa kanyang leeg. Kabi-kabila ang imbestigasyon upang hanapin ang suspek sa krimen. Ang hinihinalang tao na sa nasa likod ng krimen ay ang kanyang makakalaban sa susunod na eleksyon, si Don Márquez. Subali't ang nasabing kandidato ay kasalukuyang wala sa bayan ng Authi. Tahimik rin ang pamilya ni Armando dahil sa nangyari. Hindi nila nais magbigay ng pahayag sapagkat may nadamay na sibilyan, iyon ay walang iba kundi si Dominique na tadtad ng saksak at ngayon ay nagpapahinga sa hospital. Nang marinig ang balita ay nagmamadali

