"Isang bangkay ang natagpuan na palutang-lutang sa ilog ng Kamandagan Alas onse ng umaga. Ang biktima ay kinikilalang si Chris Tiangco Melena o mas kilala sa tawag na Christian. Isang tanyag na actor. Hanggang sa mga oras na ito ay nag-iimbestiga pa rin ang kapulisan sa motibo ng pagpatay—"
Binato ko ang hawak na wine glass sa TV kaya nabasag iyon. Huminga ako ng malalim saka sumandal sa armrest ng couch at pansamantalang pinikit ang aking mga mata. Sawa na akong marinig ang pangalan niya. Dalawang linggo rin akong nagtiyaga sa kumag na iyon.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nilang ibalita ang nangyari kay Christian. His fans are mad at him after knowing that he is a child groomer, a sadistic kind of man, and abuser. Tinalikuran na siya ng lahat, pati na rin ng kanyang pamilya. So who would even care about him?
Everyone deserves to be love genuinely, but this kind of people doesn't. They won't appreciate it.
Hinablot ko ang bote ng red wine na nakapatong sa center table saka nilaklak ang laman. Hindi alintana kung mayroong tumutulo sa aking dibdib. Nang maubos nag laman ay huminga ako ng malalim saka pinahiran ang gilid ng labi ko.
"Oh, shoot! I stained my red shirt!" I exclaimed frustratedly and sighed deeply. Dahil ako lang naman mag-isa sa pamamahay na ito ay hinubad ko ang aking damit. Tinapon ko ang aking shirt sa may center table at tumayo para pumasok sa aking silid at nagbihis. Subali't habang naglalakad ako ay tumunog ang doorbell.
I wasn't expecting any visitor, I don't have a friends, so who would come here? Imposible rin naman na si Deyja iyon. She would just appear in front of me if she wanted to.
Napailing na lang ako habang iniisip na baka mga bata lang ang nasa labas. Narinig ko kasi ang usapan ng ilang matanda sa labas ng village na may gumagalang mga bata at pinaglalaruan ang mga doorbell ng bahay na nagugustuhan nila. Baka sila lang iyon.
When I came in front of the door, I opened it without hesitation. Napatalon ako sa gulat nang tumili ang lalaki at nagmamadaling tumalikod para hindi makita ang aking nakalantad na katawan. Subali't hindi iyon ang totoong dahilan kaya ako nagulat. I was taken aback because of Callum.
Paano niya kaya nahanap ang aking pamamahay? At bakit ang bango niya? Pasimpleng tumingkayad ako at huminga ng malalim upang maamoy ang kanyang pabango. He's wearing an expensive perfume. Paano ko nalaman? It is because of the rare scent. He smells like a baby and I wanted to cuddle him.
"Yza! Why aren't you wearing any clothes?"
Tila napukaw ako mula sa malalim na pagkakatulog ng marinig ang kanyang pangalan. Huminga ako ng malalim at pinagkrus ang aking mga braso sa tapat ng aking dibdib.
I noticed that he looked the other way to avoid looking at my breasts. He's a true gentleman, lalo na ang kaibigan niya na hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin sa akin at sumisipol na tila nagtatawag ng ibon kahit wala namang lumilipad.
"Wear this, Yza," sabi ni Callum saka marahang inabot sa akin ang kanyang suot na black leather jacket.
Isang katanungan ang pumasok sa aking isip paglipas nang ilang sandali, "how did you find me?" tanong ko sa kanya. He just laughed at me and messed my hair.
"Alam kong hindi ka tinago ni Christian. Ken— his manager also told me that you're the last person who is with him when he died. Na-retrieve rin ng aking team ang ilan sa iyong kagamitan. Kung tinago ka niya ay hindi siya mag-iiwan ng mga gamit mo sa bahay niya."
I slightly tilted my head as he speaks and I think he noticed it but choose to shut his mouth. Marahan niyang dinikit ang kanyang daliri sa aking noo at bahagya akong tinulak paatras. He carefully closed the door and smiled at me.
"Can I hug you?" he asked politely. Napatulala ako sa kanyang tanong. He seriously asked me for a consent. Kung ibang lalaki iyon ay tiyak na hahawakan ako kahit na hindi ko naman gusto. Callum is too good to be true and I'm tearing up because of his genuity. What did I do to deserve this kind of treatment from a man that I considered as a stranger?
"What are you just staring at me? Pwede mo namang sabihin na hindi kung ay—"
Natigilan si Callum dahil sinugod ko siya nang yakap. I buried my face on his chest and giggled. Natutuwa ako dahil sa trato niya sa akin.
"You don't need to ask, Callum. Just hug me if you feel like doing it," madamdaming bulong ko.
"I just wanted to make sure that you're fine. Buti na lang at ligtas ka. After knowing what he did in the past, natakot ako bigla dahil nadamay ka."
Masaya akong marinig na may taong nag-aalala sa akin ngunit hindi ako natutuwa na kay Callum ko nahanap ang saya na iyon. Nais kong layuan siya nang sa gayon ay hindi na tuluyang mahulog ang loob sa kanya. Marahan ko siyang tinulak at nag-iwas ng tingin. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong binuka niya ang kanyang labi at akmang magsasalita ngunit pinigilan niya ang sarili.
What's holding him back? Iyon ang tanong na lumitaw sa aking isipan. Tuluyan ko na siyang tinalikuran at dali-daling naglakad patungo sa kusina. Batid kong sinusundan niya ako ngunit nagkunwari ako na hindi ko nararamdaman ang kanyang presensya.
He was so silent that it's making the atmosphere awkward. Bigla akong humarap sa kanya at hindi ko inaasahan na magdidikit ang aming labi. We have the same reaction, our eyes widened in shock as we are frozen on our place. I felt the shiver went down to my spine. I immediately pushed him away and wiped my lips. May nangyari na sa amin ngunit iyon ay hindi ko sinasadya. It only happened because I'm grieving at that time, I couldn't accept Pablo's death.
NASAKSIKAN KO ang lahat ng nangyari sa araw na ito. Nasaksihan ko kung paano nagliwanag ang mga mata ni Dominique nang makita si Callum, lalo na nang maglapat ang kanilang mga labi. Nakita ko kung paano siya nabuyahan ng loob at iyon ang bagay na aking kinakatakutan. She's too fragile to fall in love and she will only broke her heart in the end.
Mas lalo lang siyang masasaktan kay Callum. Ang binata ay walang ibang ibibigay sa kanya kundi sama ng loob. Marahil iyon ang ibig sabihin ni Heiva. Dominique will create chaos because of betrayal.
I am shaking my head in disappointment while I snap my fingers to change my clothes. I'm going to see her right now. Kailangan kong makaharap si Callum at pagsabihan siya na layuan si Dominique dahil makakagulo lang siya sa pangarap niya na maging isang priestess. She have been wanting that to happen ever since she fell from the heaven. Naudlot lang ang pangarap na iyon nang makilala niya si Nickel.
Lahat ng bagay ay alam ko dahil simula pa noon ay binabantayan ko na siya. I know her even before the Nickel incident happened. She's one of the strongest angel but she didn't get the recognition that she deserves. That is why I want her to do the things that she want, I want to give
Akmang aalis na ako upang puntahan siya ngunit nagkaroon ng delubyo sa aking bakuran. Lumakas ang ihip ng malamig na hangin na halos tangayin ako mula sa aking kinatatayuan. Iisang nilalang lang ang may kakayahang guluhin ang aking tahanan, at iyon ay walang iba kundi si Amaro.
Siya rin ang lalaking nag-imbita sa akin sa isang piging.
"Maligayang araw, Deyja," nakangiti niyang bati saka sinuri ang aking kabuuan, mula ulo hanggang paa. I can sense that he is judging me on his mind. Iyon naman talaga ang ginagawa niya, ang pakialaman lahat ng magiging desisyon ko.
"You're doing it again. You cannot bring her back."
Sa isang iglap ay lumitaw sa aking harapan ang pag-aari kong espada. Kinuha ko iyon saka tinutok sa kanyang leeg upang bantaan siya.
"Stay away from me, Amaro. I don't want to see your face again!" I said in anger and vanished. Wala akong pakialam kung pumasok siya sa aking tahanan. Hindi ko naman siya mapipigilan sa kung ano ang nais niya. I heaved a deep sigh as I sat on the edge of the bridge while looking at the water. Hinawakan ko ang aking dibdib at muling huminga ng malalim. Pinigil ko ang aking sarili na maiyak dahil sa inis na aking nararamdaman.
"I am going to make your life miserable, Amaro. You shouldn't be happy... you don't deserve it after what you did." Kinuyom ko ang aking mga palad bago itapat sa mukha ko ang kaliwa kong kamay. Ginamit ko ang ilang porsyento ng aking kapangyarihan upang lumikha ng tela na siyang itatakip ko sa itsura ko para hindi ako makilala ni Callum.
Inalis ko na muna sa'king isipan ang galit ko para kay Amaro. May mga bagay akong dapat unahin at hindi siya kabilang doon.