"HINDI AKO nagsisinungaling, Junie! Talagang nakita ko ang Deathslayer sa Las Flores, hindi ko lang maintindihan kung paano siya nawala. Pero naroon siya, I swear!" Kanina ko pa kinukumbinsi si Junie pero hindi talaga siya naniniwala sa akin. Paano ko kasi maipapaliwanag sa kanya kung wala akong ebidensya. Napailing na lang ako saka umupo sa stool na dinala ko. Narito ako sa Santa Barbara's Hospital kung saan naka-confine si Yza. Wala naman siyang natamong sugat ngunit nagkaroon ng allergy reaction ang katawan niya dahil sa drugs na tinurok ni Teodore. It's like a poison for Yza, her body couldn't handle it. "Naniniwala ako sa iyo. Pero ang mga kasama natin ay hindi. Teodore's body is nowhere to be found. Biglang naglaho pagkatapos ng bakbakan. Iniisip nila na baka nakatakas siya." "P

