Chapter 15 Gumising akong namumugto ang mga mata. Hindi ko mapigilan ang iyak ko dahil sa sobrang sama ng loob ko kagabi, mula sa sinabi ni Nanay Minda. Wala naman talaga akong kasalanan. Wala akong kinukuha na kahit ano sa karinderya pero bakit sa ‘kin lahat ang sisi. Tahimik lang akong bumaba at walang kinikibo sa kanila. Ayaw ko muna silang kausapin, ayaw ko munang ungkatin ang mga bagay na nagpapasama sa loob ko dahil baka kami pa ng anak ko ang mapahamak kung mas lalo kong iisipin ang mga bagay-bagay. Umagahan na, pahinga na rin namin dahil araw ng linggo at walang pasok ang mga estudyante. Lahat sila ay kumpletong nakaupo sa mahabang lamesa, nando’n din si Nanay na hindi ako tinapunan ng kahit anong tingin. Napayuko na lang ako at dumiretso sa pwesto ko. Kita ko ang pagpunas ni

