Chapter 30.2 Mabilis na natapos ang oras ni Ma’am Galang. Hindi ako gaanong umiimik sa tuwing ako ang trip niya. Madalas niya akong tawagin at salamat naman sa Diyos dahil nasasagot ko ‘yon nang maayos. Mukhang masusubukan ang Math ko sa kanya dahil sa sobrang dami niyang tanong. Mas ayos na rin ‘yon kaysa naman matulala ako sa klase niya’t walang maintindihan. ‘Yon nga lang, mas mapipilitan ako na mag-advance study sa subject niya na malimit ko lang ginagawa. “Grabe! Hindi ko alam kung may google ka ba sa utak mo or sadyang memorize mo lang talaga ang mga ‘yon,” bulalas ni Kitty habang pinapaypayan ang sarili niya. Nakalabas na si Ma’am sa room habang ang lahat naman ay nag-umpisa nang mag-ingay dahil sa nangyari. May naririnig pa nga ako na ang malas ng section namin dahil siya pa an

