Chapter 8 Maaga akong gumising at bumangon. Ito na ang unang araw ng pagbabagong-buhay ko. Wala na ako sa bahay para maging tamad dahil lahat ng gagastuhin ko rito ay dapat bayad. Wala ng ibang susuporta sa ‘kin kundi ang sarili ko lang. Bumaba na ako mula sa kwarto ko at sumalubong ang isang mahabang lamesa. Nakaupo ang lahat ng nagtratrabaho kay Nanay Minda, pati na rin si Kuya Daniel na nakangiti sa ’kin. Sarado pa ang karinderya. Mukhang oras na ng umagahan ng lahat. Normal sa mga tao ang nag-aagahan bago mag-umpisa sa trabaho. “Nay, siya po ba ‘yon?” tanong ng isa babae na nasa gitna. Nakatingin silang lahat sa ’kin at lahat sila ay nakangiti maliban sa isang lalaki na nakatingin lang sa pwesto ko. “Hello?” nahihiya kong saad bago nahihiyang kinaway ang kamay ko. “Omg! You’re s

