Chapter 23.1 Lakad dito, lakad doon. Walang humpay na pabalik-balik ang lakad nina Miley at Kitty. Kanina pa sila ganyan simula no’ng pumasok si Ate sa kwarto ni Nanay para kausapin. Silang dalawa lang naman ang nag-iisip ng kung ano-ano. “Pwede ba?! Nahihilo na ako sa inyo!” inis na sigaw ni JC sa kanilang dalawa. “Paano kung kukunin na ng ate niya si Norie?” tanong ni Miley bago kinagat ang sarili niyang kuko. Bakit ba hindi sila mapakaling dalawa? “Hindi ‘yan,” marahan kong sabi sa kanila. “Hindi naman magdadala si Ate ng laptop at printer kung dadalhin niya rin naman ako pauwi.” “Si Norie na ang nagsabi na hindi siya kukunin kaya pwede ba, maupo na kayong dalawa o ako mismo ang magtatali sa inyong dalawa sa upuan,” nanggigigil na sabi ni JC. Wala namang magawa ang dalawa kundi

