HINDI mapakali si Aleyah habang nakaupo sa papag. Ramdam niya ang bawat hagod ng suklay ni Pedo, ang baklang kapatid ni Charm na aliw na aliw sa pagsusuklay ng kanyang buhok. May ngiti itong pa-kembot pa habang nagkukwento ng kung anu-anong tsismis, pero si Aleyah ay hindi halos makadikit ang isip sa mga sinasabi nito. Katabi nila sa papag ang isa pang kapatid ni Charm na abala sa laruan, samantalang si Charm mismo ay nakaupo sa gilid, masigasig na tinutupi ang mga nilabhan nila kaninang umaga. Halata ang simpleng kasiyahan sa paligid, lalo na sa kabilang banda kung saan nag-iinuman sina Gov. Uno kasama ang ilang kagawad ng barangay at ang mga magulang ni Charm. Minsan ay naririnig niya ang tawanan ng mga lalaki, ang hampasan ng baso sa kahoy na mesa, at ang mabibigat na usapan tungkol s

