KABANATA 3

1527 Words
Teka lang, tapatin mo nga kami pare totoo ba iyong nabasa ko sa article?", ani tristan saka bumaling kay chris kapag kuwa'y umayos din sa pagkaka-upo. "Parang di niyo naman ako kilala niyan, kailan ba naman ako nagbago? anito na nakakaloko ang pagkaka- ngiti. At ikinuwento nga nito sa kanilang dalawa kung ano ang dahilan at ganoon ang nangyari.Napilitan lang daw itong makipag-ka-sundo sa babaeng ka fling nito para tumahimik na. Binantaan raw kasi ito ng babae na kapag hindi nito pinag-bigyan sa gustong mangyari ay ipagkakalat nito na buntis ito,at si chris ang ama. Mas nakakahiya naman iyon kung tutuusin masisira pa ang imahe ng pamilya nila chris,at baka hindi ito mapapatawad ng daddy nito, kapag nagkataon. Ang ama ng babae ang nagplano ng lahat, marami din kasi ang nakaka-kita tuwing mag-di-date ito at ng naturang babae. ma-impluwensiyang tao ito kung kaya't iniisip ang reputasyon ng anak, Ano na lang daw ang sasabihin ng iba, lalo pa't iba-iba ang kina-kasama ni Chris na mga babae. Matagal na rin daw kasi na may gusto iyong babae kay chris kung kaya naman, pinatulan agad nang huli, hindi naman raw kasi nito alam na ma impluwensiya ang pamilya ng babae. Pansamantala lang naman daw kung kaya't pumayag ito, patatahimikin lang nila ang mga balita at saka babalik na sa dati ang lahat. "Alam mo bro, believe me, maka-karma ka rin sa ginagawa mo.",ani wisley na ngayon ay seryoso na."bakit kaya di mo nalang tularan itong bro natin na kahit kailan hindi man lang tumingin sa babae.", si wisley uli na bahagya pang tinapik ang balikat niya. Alam na agad niya kung saan patungo ang usapan, Siya din ang masasabon sa huli. "Seriously pare, di na baleng hindi na ako maging playboy, hindi ko talaga gagayahin ang isang iyan nakaka-bakla kaya.",ani chris na may pailing-iling pa habang nakatingin sa kanya. "Ako ba talaga ang isyu dito o si chris?", aniya. Dahilan kung bakit humagalpak ng tawa si wisley.Tinging masama lang ang ginanti niya rito, but of course, biro lang din iyon. Sa huli sabay rin silang nagka-tawanan. Maya-maya'y nauna na ang mga itong lumabas ng opisina niya, On the way na kasi sina Brian at Ashley. Susunod na lang sya pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili, hindi rin naman siya magtatagal kasi maya't-maya lang ay mag-sisimula na rin kumanta ang inupahan nilang acoustic singer. Nakita agad ni Tristan ang mga kaibigan niya pagkalabas niya ng opisina. nasa kalagitnaan lang naman kasi ang table na inukapa ng mga ito. Kumpleto nga ang barkada pagdating niya. "Bro", halos magkasabay pa na turan nina brian at ashley sa kanya ng makita siya, kapag kuwa'y tumayo ang dalawa at yumakap sa kanya. "Have a seat",pagkuway saad ni ashley habang inilapit sa kanya ang isang upuan. "Na-miss ko 'to sobra, ang kumpleto tayo. Ang tagal niyo rin di nagpakita ah.",si Wisley na ang tinutukoy si Ashley at Brian. Kung kaya't pabaling-baling sa dalawa ang tingin. "Sobrang busy bro,hindi maiwan-iwan ang trabaho, malapit na rin akong ma-promote alam mo na, nagpapa-kitang gilas kay daddy. ", si Ashley. "Busy rin ako eh, obligasyon kaya naming mga doctor ang alagaan ang mga pasyente namin kaya nga, halos hindi ko na maalagaan ang sarili ko.",si Brian, kapag kuwa'y lumagok ng wine. "Bakit pa kasi nagpapa-kahirap ka maging surgeon pwede naman na ikaw na magpa-takbo ng hospital niyo",si chris. "Sige nga, sagutin mo iyan pare, bakit ba nagtitis ka rin maging prosecutor gayong, nasa piligro ang buhay mo. dumarami na ang branches ng hotels and restaurants niyo ah.",sabat naman ni Tristan. "Kasi nga,i love my job.",ani chris na lumagok na rin ng wine. "That's what i'm trying to say.",si Brian. "You got me bro", nakangising turan ni chris, kapag kuwa'y sabay silang nagka-tawanan. Panay pa rin ang tawanan nilang magkaibigan habang nagku-kwentuhan.Hindi nila namalayan na nag umpisa na pala sa pagkanta ang singer. Napadaku ang tingin ni Tristan sa stage ng marinig niya ang kanta. We've done this once and then you closed the door Don't let me fall again for nothing more.. Don't say you love me Unless forever Don't tell me you need me If you're not gonna stay Don't give me this feeling I'll only believe it Make it real or take it all away.. Grabe ang kabang naramdaman niya ng oras na iyon, pagkarinig niya sa boses ng kumakanta. Gusto niyang lapitan at siguraduhin kung sino ang kumakanta. Subalit maraming tao ang nanunood. Hindi niya malilimutan ang boses na iyon. Hindi niya kasi maaninag ang hitsura ng kumakanta sapagka't tanging dim lights lang ang nagsi-silbing liwanag doon sa may stage.Maya-mayay sinenyasan niya si Coby isa sa kanyang waiter. "May kailangan ka po sir? ", tanong nito ng makalapit sa kanya. "Papuntahin mo si Marco rito please",aniya na nasa stage pa rin ang tingin. "Tsaka, paki-dagdagan na rin kami ng maiinom dito . alam mo naman iyon", singit ni wisley. "Okay sir", saka nagpaalam na ito. Wala pa mang limang minuto ay agad naman dumating si marco. "Pinatawag mo raw ako sir", "Yes, bahagya pa niyang inilapit ang mukha niya sa tainga nito saka nagsalita."sino siya? I mean, anong pangalan niya?", kapag kuwa'y dumaku na naman sa stage ang paningin. "Hoy, ano iyan ha, secret ba iyan?",si Wisley ng mamataan sila. "Shut up bro", saway niya rito. "Na-gets din naman agad ni Marco kung sino ang tinutukoy niya. Kung kaya't yumuko ito ng kunti at inilapit rin nito sa tainga niya ang bibig nito. "Si Miaka Alonzo po sir", nakangiting saad nito. Kamuntik na niyang mahulog sa kina-uupuan ng marinig ang buong pangalan nito.Nagduda naman talaga siya noong una, basi sa boses nitong kumanta. Pero hindi niya naman inaasahan na totoo nga pala ang duda niya. Ang puso niya ay lihim na nagdiwang sa kaalamang ang minamahal niya noon na si Miaka pala ang kumakanta. Natitiyak niya talagang kapag nalaman ng apat kung sino ang kumakanta tiyak na tukso na naman ang aabutin niya rito kung kaya't inilihim niya sa apat. Nakilala ng mga ito ang pangalan ni Miaka basi na rin sa mga kwento niya nong college pa sila, nang sa ganoon ay tumigil na ang mga ito ng ka-rireto sa kanya ng kahit na sino. Kaya lang ay walang isa man sa mga ito ang naka-kilala sa hitsura nito. Aabangan na lang niya mamaya si miaka at ng magka-usap sila. "Alam niya ba na ako ang may-ari ng bar?", "Actually sir oo, bago pa man din kami nakapag-usap. Naguguluhan man ay tumango na lang siya. Paano naman nito nalaman? matagal na kaya nitong alam? bakit hindi man lang lumapit at nagpakita sa kanya? Ganoon ba talaga kasama ang loob nito sa kanya at hindi man lang nag-abalang lapitan siya. Ang daming tanong sa sarili niya. "Ahem,, magka-kilala kayo sir?", natigilan siya sa tinuran ni Marco. "Oo since high school, pwedeng papuntahin mo siya sa office ko mamaya Marco pagkatapos?", "Okay sir, no problem", kapag kuwa'y nagpaalam na rin ito sa kanila. "Wow pare, may nakita akong chick doon mukhang lasing na tutulungan ko lang, wala yatang kasama.", si Chris. "Ingat ka pare ha, baka ibang gulo na naman mapasukan mo",si Ashley. "Kahit kailan talaga hindi na nagbago ang taong iyan", aniya na sinusundan ng tingin ang palayong si Chris. "Sinabi mo pa",sang ayon naman ni Wisley. Habang si brian naman ay naka focus lang sa kumakanta. "Bro, kumibo ka naman diyan",ani tristan nang bumaling kay Brian. "Para namang di natin kilala ang isang iyan", ani Wisley. "Don't tell me, ako na naman ang isyu dito?",ani Brian. "Sabi ko nga si Chris hindi na nagbago.",ani Wisley. Saka sabay silang nagtawanan. "Anong pinag kaka-abalahan mo ngayon bro?" si Brian na ang tinutukoy ay si Wisley. Lingid naman sa kanila na kabilang ito sa Police Intelligence. Kung kaya't napaka-simple lang nitong umakto.Gayun pa man hindi pa rin nababawasan ang kagwapuhan nito sa propesyon na pinili. "May sinusubay-bayan ako ngayon related on drugs kaya kapag nalutas at mahuli na sa akto ang tsonggong iyon magpa file muna ako ng leave of absence kahit mga isang buwan lang. Mag re-relax ako, iyon bang tipong hindi ka maghahabol ng oras. At saka mas lalo pang nag papa-stress sa akin ngayon ay nabawasan tong kagwapuhan ko, magpa-pa'facial ako..",anito na bahagya pang hinawakan ang mukha. "Sira!! ani ashley na umakto pa ito ng sasabuyan ng wine si wisley. "Matagal na no",anito. "Hey boys, I'd like you to meet this beautiful lady", si Chris ng palapit na sa kanila habang ginigiya ang kasama nitong babae", this is Maddy. Nagpakilala sila isa-isa sa naturang babae.At nakisama na sa kanila si Maddy, pahapyaw rin itong nagku-kwento sa kanila.Kaya lang ay nahuhuli niya minsan na nakatingin sa kanya si Maddy, tipong nagpa-pa cute sa kanya.Subalit iniiwas niya ang tingin rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD