KABANATA 1

1204 Words
Natatawa si Tristan habang binabasa ang magazine na kabibili lang niya kanina sa bookstore. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa sa article na kanyang nabasa, na ang isang certified na playboy sa kanilang barkada ay biglang naging seryoso na nali-link ngayon sa isang babae. Iiling-iling na napangiti si Tristan. Makaraan ay dumukot sa kanyang bulsa at kinuha ang cellphone kapagkuwa'y tinawagan ang kaibigang si chris. "Pare, napatawag ka?" anito sa kabilang linya. "Is this true?" aniya na bahagya pang tumayo mula sa kinauupuan at dumungaw sa bintana ng malaki nilang bahay. kasalukuyan siyang nasa itaas ng kanilang bahay kung saan naroon ang kanyang silid. "Marahil ay nabasa mo na rin sa magazine pare", anito na bahagya pang tumawa ng malakas . "Yes of course, ginulat mo nga ako eh, how come?; "Mahabang estorya pare, saka ko na lang sasabihin kapag nagkita tayo.I'm busy right now.", "OKAY, pare. tanging nasambit na lang niya. maya maya'y wala na ito sa kabilang linya. Iiling- iling na binalik niya sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone. Saka nagmamadali siyang bumaba mula sa kanyang silid at nag tungo sa may hardin kung saan naroroon ang kanyang pamangkin na si Raffy. Naabutan niyang naglalaro ito ng bola. Patakbong lumapit ito sa kanya ng makita siya. "Tito Tristan, I want you to join me here", ani Raffy na bahagya pang iniabot sa kanya ang bolang hawak. "No baby, i can't ..i'm sorry maybe some other time okay?",nakangiti niyang pahayag kay Raffy. kung kaya't nahalata niya agad ang pagtatampo nito. Bakas kasi sa mukha ng bata ang pagka-dismaya. "I'm so sorry baby, may lakad si tito ngayon eh", aniyang bahagya pang umupo para maabot siya ng bata. "Where are you going?", inosenteng tanong ni Raffy. Bigla na lang siyang natahimik sa tinuran ng bata .Kung dapat ba na sabihin niya dito na sa bar lang naman pala ang punta niya .Sa bar na pagmamay-ari niya mismo. Iyon kasi ang unang naisip niyang negosyo. "Can i come with you tito?",singit pa uli ng bata. "You can't baby, bawal ang bata okay? kapag malaki ka na saka na kita isasama sa mga lakad ko.", " Really tito? ",wika ng bata na bahagyang umaliwalas ang mukha sa tinuran niya. "I promise", aniya na bahagya pang ginulo ang buhok ng bata. "Okay, sabay halik nito sa kanyang pisngi. Saka bumalik uli sa paglalaro. Natutuwa siya habang pinagmamasdan si Raffy, napaka sweet kasi nitong bata. Maya-maya lang ay lulan na siya ng kanyang kotse. Habang bina-baybay ni Tristan ang daan patungo sa kanyang bar ay hindi sinasadyang sumaglit sa kanyang isipan si Miaka. Ang tanging babae na minamahal niya sa nakaraan. Magka-klase sila noong high school, naging close sila sa isa't isa. At ng tumagal ay hindi niya namalayan nagka-gusto siya sa dalaga. Kaya nga lang, hindi niya masabi-sabi sa dalaga ang tunay niyang nararamdaman para rito. Nakakatuwa mang isipin na sa susunod na linggo ay kaarawan na niya at mag tu- tweenty six na siya. Kaya nga lang sa edad niyang iyon, wala man lang siyang naging girlfriend. Tandang-tanda pa niya noon, inimbitahan sya nito sa kaarawan ng lola nito dumalo naman siya iyon din sana iyong time na magtatapat na siya kaya nga lang kapag kaharap na niya si Miaka ewan ba, at nangangatog ang tuhod nya, ni hindi nya masabi-sabi sa dalaga ang nararamdaman niya. Dahil na siguro sa takot niya na kapag nagtapat siya baka pagtatawanan lang siya nito. O, kaya naman, masisira ang pag-kakaibigan nilang dalawa. Dahil nga sa iniisip niyang paano kung wala naman pala itong gusto sa kanya hindi rin magiging sila at pati pagkakaibigan nila masisira pa. At iyon ang ayaw niyang mangyari, kung kaya't nagpasya siyang ilihim na lang.. Hanggang sa isang araw bigla na lang gumuho ang mundo niya. "halika may sasabihin ako",anito na kinalakad pa siya patungo sila sa may canteen ng school nila. At ng makarating ay kumuha agad sila ng upuan at parehong naupo. "Ano ba kasing kadramahan iyan?",kunot noong saad niya. "Oh well.." Lumagok muna ito ng tubig sa baso saka nagsalita. "Tris, kami na!! rebelasyon nito sa kanya. Habang siya naman ay napatiim bagang at kuyom ang kamao ng marinig ang balita nito. Malamang ang tinutukoy nito ay ang varsity player ng basketball sa kanilang school na si Rain. Madalas kasi niyang makita ang dalawa na magkasama. Minsan pa nga nakikita niyang sabay pumapasok sa school ang dalawa. Kahit sa game nito palagi nilang pinapanood ni Miaka.Dahil sa kagustuhan rin ng dalaga, At todo support ito sa mga laro nito. Nagpigil siya gusto niyang magwala hindi niya pinahalata sa dalaga ang disapointment na nararamdaman. "I'm happy for you.",pagsisinungaling niya,saka mabilis na tumayo. "By the way may nakalimutan nga pala ako maiwan na muna kita. ",mabilis siyang humakbang. "Sabi mo masaya ka para sa'kin? bakit hindi naman ganoon ang nakikita ko?", Habol pa nito sa kanya.Bigla siyang huminto sa tinuran nito kaya lang hindi niya nilingon ang dalaga. Bagkus, mabilis siyang humakbang palayo rito baka kasi hindi niya kakayanin, at bigla na lang siyang maluha, at makita pa ng dalaga na kabaliktaran naman pala sa sinabi niya kanina rito, ang tunay niyang nararamdaman. Simula ng pangyayaring iyon ay panay na ang iwas niya sa dalaga. Lagi itong magtatangkang lapitan siya ang kaso, iniiwasan niya ito kesyo may pupuntahan siya, may date siya,at iba pa.Lahat na siguro ng palusot ginawa na niya makaiwas lang sa dalaga. Hanggang sa umabot sa puntong nagsawa na siguro sa ka-aaligid sa kanya.Hindi na niya nakikita si Miaka. Kahit na nga sa klase nila ay hindi na pumapasok ang dalaga. At doon niya napagtanto na nami-miss niya ang presinsya nito. Kaya naman, isang araw ay nagpasya siyang magtungo sa bahay nito para alamin kung nasaan ang dalaga, kung anong dahilan nito at hindi na pumapasok. Ayon sa katulong nito sa bahay ng mapagbuksan siya ng gate isang araw, ang sabi ay nasa canada na daw si Miaka.Kinuha ng tita niya para doon na pag aralin. Labis-labis ang kanyang pagsisisi ng oras ding iyon.Naiinis siya sa kanyang sarili, sapagka't hindi man lang sila nagkausap at nagka- paalamanan sa isa't isa. Hindi man lang niya nasabi kung ano ang tunay na nararamdaman niya para sa dalaga. Kaya mula noon ay hindi na siya nagsayang ng oras na tumingin pa sa ibang babae. Iniisip niya kasing sakit lang ang dala ng pag-ibig.Ipinapaubaya na lang niya sa diyos ang lahat. Hanggang sa mag kolehiyo siya ay nakilala niya ang mga kaibigang sina Wisley, Ashley, Brian, at Chris. Doon nabuo ang tropa nila. Bukod sa kilala rin na mayayaman ang mga pamilya nito ay, mabubuti din ang kalooban ng mga kaibigan niya. Simple at hindi mayayabang. Kaya nga siguro sila nagkakasundo. Si wisley, ang palabiro sa kanilang lima. Habang si Ashley naman ay Parating seryoso. Si Brian naman ay tahimik lang. At si Chris naman ay tinaguriang playboy ng kanilang tropa. At siya nga, kung tawagin ng mga kaibigan niya ay torpe. Sapagkat, hindi man lang marunong manligaw ng babae. Gayunpaman, kahit iba-iba ang kanilang pag-uugali ay nagkakasundo naman sila sa maraming bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD