2FFAB

1209 Words
Ding! Dong! Napahinto si Devon sa paglalakad pabalik na sana sa kwarto nang marinig niyang tumunog ang doorbell sa labas ng bahay nila. Nagtataka siyang lumingon sa may main door at napaisip kung sino kaya ang bisitang bigla na lang dumating. "Manang Flor, pakibukas naman po ng pintuan! May tao yata," medyo may kalakasan niyang tawag at utos sa may edad nilang katulong. Ngunit walang sumasagot at parang hindi pa yata siya nito narinig. Kaya muli siyang sumigaw sa mas malakas pa na boses at baka hindi lang siya narinig dahil baka may ginagawa pa ito. Lalo pa't nakita niya itong nagmamadali ang bawat kilos, na para bang may pupuntahan ito at ayaw ma-late. May hawak kasi siyang laptop at isang basong juice naman sa kabila niyang kamay kaya nagdadalawang isip siya na pagbuksan ang sinumang taong 'yon. "Manang Flor! Pakibukas naman po ng pintuan. May tao yata!" Ngunit gano'n pa rin. Kaya wala siyang magawa kundi ilapag muna saglit ang mga bitbit niya para pagbuksan ang taong walang balak tumitigil sa pag-doorbell sa labas. Sa tingin niya, mukhang naiinip na rin siguro ito dahil walang nagbubukas dito at tirik na tirik pa ang init ng araw sa labas dahil mag-alas dose na rin ng tanghali. Nasa loob ng kwarto ang Kuya Dale niya at nagpapahinga ito dahil kakauwi lang nito mula sa Amerika. Ganoon rin ang Daddy at Mommy niya dahil araw ng linggo at pare-pareho silang walang pasok kaya bumabawi sa pahinga. Tanging siya lang ang hindi na makatulog simula nang ginising siya ng Kuya niya kanina. Sa halip ay bumangon na lang siya at pinag-aralan na lang ang bagong design na damit na gagawin nila. Hindi kasi siya mapalagay hangga't hindi niya nakukuha ang tamang pag-disenyo nito. Hindi rin siya matahimik hangga't hindi niya ito nasisimulan. Kaya kahit puyat at pagod pa siya, bumangon na lamang siya para hindi na rin niya maisip pa ang nangyari sa kanya nakaraan. "Okay fine, ako na," aniya at bumuga ng hangin sabay lapag ng mga dala niya sa may center table bago tinungo ang main door para pagbuksan ang taong makulit din dahil hindi rin talaga ito tumitigil sa kakapindot ng doorbell. "Hay nako! Hindi makapaghintay!" nakasimangot niyang bulong bago binuksan ang pintuan. Halos lumuwa ang mga mata niya sa gulat nang hindi niya inaasahang si Jay ang mapag-buksan niya na siyang makulit na nag-doorbell. "Hi, Devon!" bati nito sa kanya at ngumiti pa ng makalaglag panty. Hindi kaagad siya nakasagot dahil ramdam niya na ang pagwawala ng mga alaga niya sa kanyang dibdib nang makita ito. Maging ang pisngi niya ay tumaas na rin ang temperatura nang tutukan siya nito nang tingin sa kanyang mukha. Ano'ng ginagawa niya dito? Siya ba ang sadya nito? Gusto niyang kiligin pero nang maisip niya ang itsura niya nang mga sandaling 'yon na walang bahid na makeup ay bigla siyang nahiya at mabilis na umiwas nang tingin. 's**t! Ayos lang kaya ang mukha ko? Bakit naman kasi bigla-bigla na lang siyang sumulpot dito nang walang pasabi!' hiya niya sa kanyang isipan. "Hi..." ganti rin niyang bati dito na hindi tumingin sa mukha nito. "Tsk! What's wrong?" tanong nito at tumawa nang mahina. Hindi siya kumibo at nagkunwaring sinilip sa sala ang mga bitbit niya kanina dahil hindi pa rin humupa ang pakiramdam niya. "Is Dale, inside?" tanong uli nito at ramdam niya ang paninitig nito sa mukha niya. Ayaw niya sanang lingunin ito pero napasinghap siya nang maramdaman lumapit ito sa kanya at nakisilip na rin sa loob ng bahay nila dahilan na tumama ang mukha niya sa malapad nitong dibdib. Kaya pakiramdam niya ay aatakehin na siya anumang oras dahil bumilis lalo ang t***k ng puso niya na halos magtagpi na ang katawan nila. 'Oh my god!' taranta niyang hiyaw at nahigit ang kanyang paghinga nang niyuko nito ang mukha niya. At nang hindi pa rin siya sumagot ay mabilis siyang nilingon nito at nagulat ito dahil sa ayos niya. Kaya mabilis siyang pumikit para hindi niya makita ang mukha nito. 's**t, self! Kumalma ka pwede ba?!' Piping kastigo niya sa kanyang sarili pero lalo lamang tumindi ang kaba niya sa dibdib. Subalit gano'n na lamang ang gulat niya nang marinig ang malaki at galit na galit na boses ng Kuya Dale niya. "What are you two doing?!" Sabay pa silang napatalon sa gulat ni Jay, dahilan na umatras ito at ma-out of balance kaya muntik na itong matumba kung hindi lang mabilis ang kamay nitong humawak sa may hamba ng pintuan nila pero ang baywang niya ang naabot nito. Kaya sumumsob siya sa dibdib nito nang mapasama sa pagsandal sa kabilang hamba ng pintuan. Pero ramdam niya ang mahigpit na matigas na braso nitong pumaikot sa katawan niya. "Oh, s**t!" narinig niyang hiyaw nito pero mas ungol pang pakinggan dahil sa dibdib niyang nakadikit dito. "Devon!" Muling sigaw ng Kuya Dale niya sa mas malakas na boses sabay hakbang papunta sa kanila at kaagad siyang hinila palayo kay Jay. "How many times do I have to tell you, na huwag kang pakalat-kalat dito kapag may bisita ako!" galit nitong singhal sa kanya. Marahas niyang binawi ang braso at saka sinimangutan niya itong tiningnan. "Si Jay naman 'yan Kuya, ah?" tugon niyang patanong at halos magtagpo na ang kilay niya sa inis dahil akala mo ay bata pa rin siya kung pagalitan. Hello? Twenty-three na kaya siya! Baka nagka-amnesia na ito, at iniisip na bata pa rin sila. Halos patayin na niya ito sa titig dahil napahiya siya sa harap ni Jay. Dati pa itong gano'n sa kanya pero naintindihan niya dahil minor pa naman siya dati at maraming umaaligid talaga sa kanya noong high school pa sila. Pero akala niya ay maluwag na ito sa kanya dahil nasa tamang edad na siya at ilang taon din itong tumira sa Amerika, na kilala sa pagiging liberated ang edad na kagaya nila. Pero hindi pala at parang nag-level up pa yata sa paghigpit sa kanya. Mukhang kailangan niyang mag-record ng voice na hindi na siya bata at mga twenty's na sila. "And you? Why are you here? Wala naman tayong lakad ngayon!" Supladong baling nito kay Jay na akala mo ay hindi nito kaibigan. Tumingin rin siya kay Jay nang hindi niya marinig na umangal ito sa pagsusupldo sa kuya niya. At laking gulat niya dahil sa kanya pala ito nakatingin at parang hindi pa yata nito narinig ang kuya niya. "Stop it, Jay." matigas na pahayag ng kuya niya na ikinagulat niya dahil pakiramdam niya ay may laman ito base na rin sa tunog nitong pagbabanta. "What?! Ano bang ginawa ko?" sa wakas ay sagot rin nito na may halong iritasyon. "Ikaw nga diyan ang dapat huminto dahil nasa tamang edad na siya at baka nakalimutan mo!" masungit rin na depensa nito. Biglang tumahip ang dibdib niya nang marinig iyon. Hindi siya makapaniwalang pinagtanggol siya nito sa kuya niya. Gusto niyang tawanan ang kuya niya pero salubong ang kilay nitong lumingon sa kanya. "Ako na dito," istrikto nitong saad. Sa halip na umangal ay sinunod na lamang niya ito. Mabilis siyang tumalikod at muling dinampot ang mga bitbit niya kanina bago tinuloy ang papunta sa kwarto. Pero napangiti siya dahil hindi niya makalimutan na ipinagtanggol siya ni Jay sa kuya niya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD