Prologue
Akala ko kalaban ko ang oras. Komplikado kasi ito para sa akin. Naiiwan ako kapag mabilis ito at kapag may hinihintay, parang sobrang bagal naman nito. Kapag mayroong mga bagay na hindi nangyayari na ayon sa gusto, nagagalit ako sa oras. Na minsan, napapaagang dumating ang mga dapat hindi pa at minsan naman ay kahit anong hintay mo rito, hindi pa rin dumarating sa'yo.
"Hindi mo pa siguro naranasang maiwan."
I sipped on my drink while thinking. It's so good to sit on the big cold rock while looking at it ends of the sky. Akala mo kapag nandito ka, parang walang gulong nangyayari sa buhay mo. Ang sarap din pakiramdaman ng simoy ng hangin kapag hapon lalo na kapag pawala na ang sikat ng araw.
It's already late in the afternoon and I'm just having my lunch break right now.
The guy beside me chuckled softly. "Maiwan ng ano? Maiwan ng tao?"
I began to think about his question. Umiling ako. Hindi. Kung tao siguro, mas matatanggap ko iyon kasi ganoon naman talaga ang buhay. May mag-s-stay at may aalis. It's just how life supposed to be, right? It's either you learn from them or you learn with them. And both are good.
But what I'm experiencing, it's different. I don't even know if that's good or not.
I pressed my thin lips. "Maiwan ng panahon."
He heaved a sigh and I saw him looking at me from my peripheral vision. Nanatili naman ang tingin ko sa langit. I just want to share this right now coz it sucks. Hindi niya naman kailangang maintindihan ang nararamdaman ko, kailangan ko lang nang may mapagsabihan. This thought has been lingering in my mind these last few years.
Growing in this kind of society is kind of simple but pressuring. When you graduate college, you are supposed to have a starting career, get promoted there, be engaged, live your married life then have your own happy family. I'm happy to see my friends living their dream life. I don't even question why they have that kind of life and why I don't. I just want to ask, kailan kaya na ako naman?
"Elle..."
Saka ko lang siya tiningnan. Ngayon ko lang napansin ang malinis na plakadong buhok niya. He's now good at haircuts. Dati, walang pake sa kaniyang buhok. Okay na siya basta sinabi niyang barber's cut. Bukod sa maputi niyang kutis, malinis pa siya manamit. Hindi nga lang marunong pumorma noon kaya ako pa ang nag-su-suggest sa kaniya kung ano bang damit ang susuotin kapag may mga lakad siya.
He literally grew up successfully.
I smiled.
"Alam mo? Late ka na. Mag-a-alarm na rin 'tong phone ko kaya pumunta ka na. Also, 'wag mo akong pupuntahan bukas kasi nasa duty ako. Understand, Riley?" I tried to sound bossy but my soft voice can't cope up.
He then laughed revealing his deep dimples. "Whatever, Elle. E 'di gabi ka na n'yan makakauwi? Sunduin na lang kita."
"'Wag na, Ri. Busy ka na dapat, e."
My phone started ringing that's why I immediately got up and finished my drink.
"Sino ka naman para sabihin 'yan? Manager ba kita?"
Ngumuso ako. "No but you are. Kaya dapat busy ka na."
How can a hotel manager not be busy?
"I'm not kaya susunduin kita bukas ng gabi."
"Gusto mo lang makita si Lilian, e! Should I tell her, Riley?"
Pumait ang mukha niya. "Ang kulit. Hindi ko nga 'yon type. Sige na, ma-le-late ka na naman."
"Okay! See you then, dear."
"See you, Elle!" tumalikod na siya habang kumakaway at papunta sa kotse niya.
"It's Ate Elle..." I already told him this a hundred times.
Malapit lang naman ang hospital na pinag-ta-trabahuhan ko rito kaya naglakad na lang ako papunta roon nang makitang nakaalis na si Riley. Pabor talaga sa akin na dito ako natanggap at hindi sa ibang private laboratory clinic. Kahit na papaano ay medyo pinalad pa rin naman ako doon.
Halos hindi nga ako pinawisan nang makarating ako. Nakita ko na lang si Honey na nasa bungad ng emergency room na para bang kaunti na lang ay mahihimatay na. Ang paligid ng mga mata nito ay nangingitim na at ang mga labi ay namumutla na rin. She's still wearing her Nurse uniform. Hindi ba dapat ay kanina pa siya umuwi?
Nagmadali akong pumunta sa kaniya para i-check kung okay lang ba siya.
Wala pa siguro itong tulog, kung hindi ako nagkakamali.
Nang makalapit ako sa kaniya ay nakaramdam ako ng malakas na hampas sa braso ko galing sa kaniya. Napaka-bigat talaga ng braso nito!
"Ah! Ano bang nangyari sa'yo, Honey? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko at hinawakan ang braso niya.
"Wala pa si Doc! Wala pa akong tulog at kain! Kanina ko pa inaayos ang charts at wala na akong maintindihan. Elle... Gusto ko na lang mamatay," I let her rant because it's understandable. She faked cry on my arms while I hug her.
Kawawa naman.
"Magpahinga ka muna sa call room. Wala pa namang pasyente. Paano na lang sila kung pati ikaw ay magkakasakit na rin?"
"Kasalanan ko ba? Late na late na si Doc."
"Hindi naman pero... magpahinga ka muna. Sige na."
"At ikaw! Hinahanap ka ni Lilian sa'kin kanina, baliw! Saan ka ba pumunta? Bilis at baka mag-init na naman ang ulo no'n sa'yo."
"H-Huh? E, pano ka? Okay ka lang ba-"
Tinulak niya ako ng mahina. "Sige na! Okay lang nga ako, Elle."
Tumango ako at nagmadaling dumiretso sa laboratory. Hindi ko naisip na mag-suot ng PPE kanina bago pumasok para magpakita lang muna ngayon kay Lilian. Nagmadali pa ako papasok dahil nga naisip ang sinabi sa akin ni Honey.
When I saw Lilian, I smiled. Siya pa lang ang nandito dahil nasa break din ata ang iba. Lalabas na sana ako para mag-suot na ng PPE pero tinawag ako ni Lili at nagmamadaling binigay sa akin ang test tube rack na hawak niya. Nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko iyon nahawakan at tuluyan nang nabitawan.
"Oh my God!" sigaw ni Lilian na ikinagulat ko pa.
I panicked so much. It was out of my adrenaline to get all the test tube rack on the ground. Pipigilan sana ako ni Lilian para kunin ito ngunit mas lalo lang nitong natulak ang kamay ko kaya tumama pa ako sa mga basag na test tubes. Napadaing ako sa sakit nang maramdaman ang sugat sa kamay. Doon na ako kinabahan at pumasok na sa isip ko ang mga pwedeng mangyari sa akin.
"What the f-"
"N-Nasugatan ako, Lilian..."
"Wash your damn hands, go!" she shouted at me and removed her gloves then her mask.
Nanginginig akong pumunta sa sink para hugasan ang kamay ko. Nanlalamig ang mga kamay at paa ko dahil sa kaba. Wala naman sigurong nakakahawang sakit ang mga tests doon. Posible iyon pero posible ring hindi. Huminga ako nang malalim.
Narinig ko nang tinatawagan na ni Lilian ang waste management para malinis ng maayos ang mga nakakalat na biomedical wastes. I don't know if those are infectious. Hindi pa iyon na-te-test dahil kakakuha pa lang sa pasyente. Hindi ako makatanong kay Lilian dahil alam kong kinakabahan din siya ngayon.
Narinig kong pumasok na rin ang iba pa naming kasama dito sa lab.
"Oh my. What happened, Lili?" tanong ni Ivan.
"Ivan, I told you..." I can't hear her clearly but she's saying things to Ivan.
"She's learning. Ano bang nangyari exactly?"
"She is so clumsy! I can't take it anymore. I don't wanna work with her like this, Ivan!"
Yumuko akong lalo. I'm a very sensitive person that's why I feel like I might cry because of what I've heard.
"But this is the first time that this happened, Lili. Give the girl a chance. Mahirap naman na ganito kayo sa trabaho."
"M-May CSF 'yon," narinig ko nang humikbi si Lilian.
Mas lalo akong kinain ng kaba. Cerebrospinal fluid is taken by the process of a spinal tap. It means, sa lumbar spinal tinuturok ang needle para makuha ang fluid. It takes approximately thirty minutes to get the fluid by a Doctor who's an expert on it. Even though anesthesia was applied before the process, most of the patients don't want their CSF to be taken again. I'm sure this will have a lot of consequences. Naalala ko iyong naka-tapon ng CSF na batchmate ko noong internship pa lang, umulit siya ng buong internship.
"Hey, Elle. You okay?" tanong ni Joshua sa gilid ko although there's safety measures.
Naka-suot din siya ng PPE hindi katulad ko ngayon. He also got me a mask and put it on the sink.
"I-I got a cut, I think i-it's deep..."
"That's okay. We'll get you test this day, okay? Don't worry."
"Are those from infected patients?"
"I don't know yet, Elle. Hopefully not. They have been checked up and as far as I know, they don't have infectious diseases. Those tests are for a complete blood count." He explained calmly.
So there's a possibility that it is contagious.
Complete blood count or CBC is a set of tests to figure out what's going on about the cells in our blood. It is for evaluating our overall health through measuring our white blood cells or WBC, red blood cells or RBC, platelets, hemoglobins, hematocrits, and MCV.
It can be because of bacteria, fungi, parasites, and viruses. It has a lot of possibilities. It can be contagious. I can die. I may die.
And it also has CSF. Napapikit ako at napa-yuko. Ang dami kong naiisip na pwedeng mga sakit. All I can see in my mind right now is how my professors in different subjects explain the ranges of diseases on these tests. I'm crazy.
"Elle... Hey, it's okay. Don't think about it."
Tumango ako ngunit nanginginig pa rin ang labi.
From what he said, iyon nga ang nangyari. I was tested multiple times and had my quarantine inside a private room. Also, I've had multiple vaccines. One week na akong naka-stay rito at si Riley lang ang nakakausap ako through video chat pa. Sobrang boring pero this is the protocol and I have to comply with it. Hindi ko rin mahagilap si Honey. Mas gusto ko sana kung siya ang nurse ko para mayroon akong balita kung ano na bang mangyayari sa akin pagkatapos kong i-quaratine.
I think my family don't know about what's happening with me here. They are all busy and my mother works a lot abroad. Dito naman talaga ang work niya sa Pilipinas pero marami rin siyang ginagawa sa ibang bansa. I'm not sure if it's Silicon Valley. Hindi pa rin naman ako naka-punta roon dahil ayokong sumama.
Unfortunately, nang malaman ito nila Mama, pupuntahan daw nila ako rito kapag naka-uwi na siya. Kasama niya pala si Papa ngayon. Paano naman kaya nila nalaman ang kalagayan ko ngayon? They check up on me sometimes but this week, hindi naman.
Nalaman ko na lang na si Riley pala ang nagsabi no'n kay Mama. I heaved a sigh. I don't want them to know about what happened. Maabala lang silang puntahan ako rito sa Manila when they should be busy on their work.
Narinig ko ang mga nurses sa labas ng room ko na nag-uusap. Maybe they don't know that I can hear them.
"Ma-su-suspend daw si Noelle ng ilang months? Pati rin ba si Lilian?"
"Gaga, hindi. Magpapahinga lang si Noelle after ng quarantine niya. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan."
"Parang ganoon na rin iyon, Jane."
"Si Lilian din?"
"Hindi. Wala namang nangyari kay Lilian. Saka kelangan iyon sa lab."
"So ibig mong sabihin, si Noelle ay hindi?"
"Hindi gaano. Alalay lang naman iyon ni Lilian," humagikhik ang isang nurse.
"Grabe naman sa alalay!"
"Oo nga. Balita ko, hindi naman talaga 'yan makakapasok kung hindi lang kaibigan ng tatay niyan ang Director nito. 'Di mo alam? May-ari ang tatay niya ng isang IT company?"
"Wow, mayaman pala sila?"
"Oo! Kaso nga lang 'di nakapasa sa board exams. Siguro kasi puro asa sa magulang kaya okay lang na 'di makapasa."
Napalunok ako sa narinig. There's something in my throat and it hurts.
"Tamad sigurong mag-aral, bes. Gano'n talaga, mayaman na, e."
"Ewan. Siguro hindi lang talaga matalino." Then they laugh again.
Nang marinig kong pabukas na ang pinto ko ay humiga na ako ng hospital bed at kunwari ay natutulog. Nakatagilid ako ng higa habang pumapatak ang luha ko. It's already morning so they open my lights on. This is the last day of my quarter period but I can't get up if they're still here. Ayoko makita nilang umiiyak ako.
Kumatok sila sa pinto nang mabuksan ang ilaw.
"Good morning, Noelle. Nandito na ang breakfast mo."
"Good morning, Elle! Gising na." I don't even know who they are.
Their voices are unfamiliar and she's calling me just my nickname?
"Th-Thanks." I mumbled and faked my yawn.
"Puwede ka na raw ma-discharge this day. May susundo ba sa'yo?"
I don't know. Maybe I'll text Riley to pick me up or kung busy siya, I have no choice but to go home alone. But because I don't want to talk to them anymore, I didn't answer the question. Narinig ko na lang na sinara na nila ang pinto ng room ko.
I sobbed and wiped my tears. Umupo ako sa hospital bed at tumingala. I don't wanna cry anymore but the tears pooled in my eyes again. I can hear their voices in my head. All of my disappointments suddenly drowned me again.
I don't understand why some people are unkind. I shook my head in disbelief.
Nang may kumatok na naman sa pinto ay tinigil ko ang pagluha pero huli na ang lahat. Riley saw me crying. Hindi siya nagdalawang isip na lapitan ako at yakapin. Ipinatong niya lang ang dala niyang flowers at fruits sa kama katabi ko.
"Shh... What happened? May masakit ba?"
"N-Nothing..."
Kaunti siyang lumayo para i-check kung ano bang nangyari sa akin o kung may masakit ba sa katawan ko. I wiped my tears on my cheek again and sobbed.
"W-Wala... Why are you here, Ri?"
He looked at me with his weary eyes. "Kasi ihahatid na kita pauwi. Ano bang masakit, Elle?"
"Nothing. You don't have work later?"
He dodged the question and looked at my puffy eyes. "May sakit ka pa ba?"
"Wala nga, Ri!"
"Sasabihin mo ba o sasabihin mo?"
"Excuse me, Riley?
Mukhang frustrated na siya kaya tinawanan ko na lang.
"What's wrong?"
Ngumiti ako at umiling. "It's just... N-Narinig ko kasi 'yung mga nurses. They were talking about me not passing the boards. Naalala ko lang ulit."
He sighed and held my hand. "Anong sinabi nila?"
"I'll just wash up. Thanks for coming, Ri. But no thanks for calling my Mom to come here."
"Sinong nurses iyon? Iyong nakasalubungan ko ba kanina? What did they say?" his cheeks are turning red.
Tumayo siya at nagpamaywang, naghihintay ng isasagot ko. I smiled bitterly while looking at him. He's wearing a beige slacks and black shirt. Halatang kakagaling lang ng office. Wala pa nga siguro siyang tulog.
Natahimik ako.
"Hindi nga ako naka-pasa sa board examinations so I ended up being a Medical Technician. I didn't try the second time coz I'm too coward to risk for another failure." Kwento ko kay Riley.
Sa tingin ko naman, pwede niya nang marinig ang kwento ko ngayon. Ang alam niya lang, pinili ko talagang mag-trabaho as med technician. Alam niya naman na hindi ako naka-pasa pero ang alam niya okay lang sa akin.
"I didn't want to disappoint my family. Kahit pa sinasabi nilang okay lang iyon, for me it's not. I've worked so hard to finish my Bachelor's Degree. I've always wanted to pass the physician's board exams. Pero kung RMT license pa nga lang ay hindi ko na makuha for the first try, paano pa kaya ang pagiging Doctor?" I continued.
"I didn't enroll for medical school coz I don't want my parents to pay for my tuition again. Tapos hindi rin na naman ako makakapasa?"
I stopped for a while. "It's disappointing."
"Elle... Ganoon naman talaga, 'di ba? We fail sometimes."
"Yes, Ri. Of course."
"Hindi naman iyon ang katapusan ng lahat sa buhay mo. Hindi ka lang nakapasa but it doesn't mean that you fail your life."
"I know, Riley. I didn't."
"Then try another one. So what kung hindi ka ulit makapasa? It's okay, Elle." Umupo ulit siya sa tabi ko.
Umiling ako. It's not okay, Riley. It'll never be okay. Okay lang na hindi makapasa? No.
"Kahit na anong sabi niyong ayos lang kung hindi ulit ako makapasa sa second try, hindi iyon ayos para sa akin. How can I cope up again with another disappointment? You will never know how much I was down because of that. Parang naging bula lahat ng pangarap ko, Ri. Paulit-ulit kong naiisip na ang tanga tanga ko. And it's never okay, Riley..." Tumulo ulit ang luha sa mga mata ko.
He hugged me once again. I know that he don't understand what I feel. Minsan, hindi ko rin naman maintindihan kung bakit ko naiisip ang mga ganito. But I'm thankful because he's here listening to me.
"You don't have to feel that, Elle. I know you're not a failure." He kept on caressing my head.
I know that as well. I know that I'm not a failure but I feel like I am. The bad thing about all these is that I understand everything he says but I can't feel any better.
"Thank you, Riley." I tapped his back.