BAILELA CHI
PAGKAUWI ko ay natigilan ako ng nadaanan ko yung garden ng bahay.
Lumapit ako, may nakalagay na 'I'm Sorry'
Tumingin ako sa paligid pero wala naman si Keant.
Sumakto naman na lumabas ito at may hawak sa bulaklak.
Ngumiti na lumapit siya sa akin. "I'm sorry sweetheart. Hindi ko sinasadya na pag-isipan ka ng ganon."
Hindi ako umimik at tinitigan lang siya.
"Sweetheart please."
"Fine, pero please lang huwag mo akong pag-isipan ng ganon."
Tumango siya. "Opo sweetheart." Ibinigay niya pa yung bulaklak na hawak niya.
"Kinuha mo yata 'to sa garden ni Tita?"
Napakamot siya. "Oo, alam ko naman kasi na gusto mo tong daisy e."
Natawa ako at yumakap sa kaniya. "Thank you."
Yumakap siya pabalik. "No thank you, sweetheart."
"Pumasok na tayo, nagluto ka na ba?"
Tumango siya. "Oo, yung favorite mo yung niluto ko."
"Tara na." Excited na sabi ko at hinila pa siya papasok sa bahay.
Pumunta kaagad kami sa dinning area at umupo kaagad ako.
Siya naman ay nilagyan niya ng kanin ang plato ko at sweet and spicy squid.
Masaya na kumain ako. Ito palagi kung hinahanap kaso ayaw akong ipagluto minsan ni Keant ng ganito kaya kina Mommy na lang.
"Masarap?"
Tumango ako. "Sobra."
**
KATABI ko ngayon siya, gusto na naman niya akong matulog sa kwarto niya.
"Gusto ko ng maranasan magtrabaho."
Napatingin siya sa akin. "Hindi."
Napasimangot ako. "Keant naman, nakakainip dito sa bahay, minsan puro gala din. Nakakasawa kaya."
"Basta hindi, dito ka sa bahay. Walang magtatrabaho."
Inis na tumalikod ako sa kaniya at inayos ang kumot sa katawan ko.
Naramdaman ko na lang na yumakap ito mula sa likuran at dumampi ang labi nito sa hubad na balikat ko.
"Please try to understand sweetheart. Ayoko naman napapagod ka kaya dito ka na lang sa bahay."
"Pero naiinip ako dito." Tampo na sabi ko.
"Edi sumama ka na lang sa akin tuwing may work ako."
Humarap ako sa kaniya. "Talaga?"
Tumango siya. "Oo, para naman may mapuntahan ka na iba."
Masaya na yumakap ako sa kaniya. "Thank you, keant."
"Your welcome, sweetheart." Hinalikan pa niya ako sa labi.