"SAAN ba tayo pupunta?" Tanong ko habang nakaunan sa balikat ko si Amana. "Basta, malapit na tayo. Nasa village lang tayo." "Nasa village? Pinagloloko mo ba ako Keant? Ang layo naman." Natawa siya. "Yeah nasa village pa din tayo." Tumigil na lang kami sa puting mansion. Tumingin ako sa kaniya. "Kanino 'to?" Inalis niya yung seatbelt. "Bahay yan ni Bryson." Tumango na lang ako at inalis din yung seatbelt at dahan-dahan bumaba. Inalalayan niya ako papasok sa bahay ni Bryson, nagulat naman ako dahil nandon lahat ang mga ninong at ninang namin kahit ang parents namin pareho ay nandito. Lumapit naman si Dada. "Akin na muna si Amana." Yumakap siya at bumulong. "Be happy and start a new life with him. He loves you." Nagtataka man ay tumango ako. Dahan-dahan na ibinigay ko si Amana kay D

