ERIKA POV Nagulat naman ako ng biglang pumasok sa loob si Denmark. Dala dala niya ang isang tray at naamoy ko kaagad ang tinolang niluto niya. Nakangiti siya sa akin at nilapag ang pagkain ko sa lamesa. "Iwan mo yan tapos lumabas ka na," seryosong sabi ko sa kanya. Umupo siya sa higaan habang nakatingin pa rin sa akin, "Just this once, hindi muna kita susundin. Alam ko na marami akong mga kasalanan sayo kaya hayaan mo sana akong bumawi sa pag aalaga sayo. Ang bilin sa akin ni Ninong, kailangan alagaan daw kita. Kaya wala kang dapat na ikatakot kasi alam naman niya na magkasama tayo ngayon." "Kahit pa!" Naglaho ang ngiti sa kanyang mukha at napalitan ito ng pagiging seryoso, "Siya nga pala, sigurado ako ka hindi lang dalaw ng ginawa dito kanina ni Ninong... may ganap kayo tama ba?"

