Ria "RIA." Bigla akong napatigil sa paghikbi nang marinig ko ang isang boses mula sa likod ko. Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko dahil ayokong makita niya ang itsura ko. Siya ang huling taong maiisip ko na susundan ako dito. "What happened? Bakit bigla ka nalang umalis?" "Are you crying?" Hindi ako sumagot. At wala akong balak sagutin siya dahil wala naman siyang alam sa nararamdaman ko. "Dahil ba nakita mo ang Papa mo?" Natigilan ako sa narinig. Mabilis akong tumayo ako at hinarap siya. "Anong alam mo?" "Galit ka sa Papa mo, na walang ibang ginawa kundi mahali—“ "Wala kang alam," Mariin kong saad. "Wala kang alam sa nararamdaman ko kaya wag kang magmarunong!" "Oo, tama ka. Pero hanggang kelan mo ba itatago ‘yung galit diyan sa puso mo? Ta

